*Reina*
Mabilis pinasibad ni Miles ang sasakyan niya habang nagmamasid kung may makakakita sa amin. Pinayuko niya ako nung maraanan namin ang guard at nung nakalagpas na kami sa gate, saka na kami nakahinga nang maluwag.
"Ano ba kasing pumasok sa isip mo? Ba't bigla-bigla, gusto mong lumabas?"
"Iliipat na nila ako ng ibang safe house."
Napalingon siya sa akin pero agad ibinalik ang tingin sa kalsada. "Kanino mo nalaman?"
"Hindi na importante,"
"Reina, sabihin mo kung sinong nagsabi,"
"Basta, narinig ko lang. Nag-uusap yung dalawang agent na bantay ko, ang sabi nila bukas na ako ililipat."
Hindi siya nakakibo.
"Miles,"
Bigla niyang kinabig ang sasakyan at inihinto. Bumuntong hininga at humarap sa akin. "Kaya mo ba gustong tumakas?"
Umiling ako.
"Reina, hindi na 'to biro, pwede tayong madisgrasya or worst, kapag nalaman nilang... Hindi mo ba naisip ang pwedeng mangyari?"
"Alam ko! Na-frustrate na rin ako!" sigaw ko sabay iyak. "Ayoko na ng ganito, gusto ko nang bumalik sa dati, nahihirapan na rin ako. Akala mo ba okay ako?" reklamo ko habang umiiyak. "Miles, ayoko na."
Napabuga muna siya ng ilang malalalim na buntong hininga bago niya inalis ang kunot ng noo niya. "Pasensya ka na. Pero kailangan nating magtiis, kaligtasan mo ang priority natin, di ba? Gusto ko na rin matapos 'to, pero sa ginagawa mo... Pinalalala mo lang ang lahat."
"Di ko na kayang mag-isa, Miles, nahihirapan na 'ko, pakiramdam ko unti-unti akong inuubos ng takot ko. Ni hindi ko alam kung sino pang paniniwalaan ko, ang hirap na ng sitwasyon ko, di ko na talaga kaya." ginupo na ako ng sobrang lungkot ko.
Walang anu-ano, tinanggal niya ang seat belt niya at niyakap ako. "Tahan na, 'andito lang ako. Tahan na, Babe."
Humigpit ang yakap ko sa kanya. "Takot na takot na 'ko, Miles."
"It's okay, it's okay, wala kang dapat ikatakot, walang mangyayari, hangga't nandito ako."
Ilang minuto rin kaming ganun bago niya naisip na ialis ako dun. Akala ko ililiko niya ang direksyon pabalik sa mansyon pero dumiretso ang takbo namin palayo.
Habang nagmamaneho, nilingon ko siya. Seryoso ang mukha niya at nakatuon ang atensyon sa daan. Napangiti ako nang may halong lungkot.
"Thanks, Babe, for always being here, for always understanding me."
Ngumiti siya at hinawakan ang kamay ko ng libre niyang kamay.
Mayamaya ay nakalabas na kami nang tuluyan sa subdivision at kasalukuyang nasa main road na.
"Sa'n mo bang gustong pumunta?"
Bumuntong hininga ako. "May gusto akong daanan, pwede mo bang iliko banda dun?" sabay turo ko sa papuntang public cemetery.
"Sige, may dadalawin ka ba dun?"
Tumango ako. "Mom ko,"
Natahimik siya sandali at lumingon sa akin. "Ha?"
"I'll explain everything, just take me there."
******
Mabilis din kaming nakapasok at kasalukuyang nakaupo sa malapit na nitso habang nakatanaw sa puntod ng Mom ko.
Ikinuwento kong lahat ng nalaman ko kahapon at ang suspetsa ko na si Ysaak at Jett ay iisa.
"Sino ba kasi yung Jett?"
BINABASA MO ANG
Queen Of Damn
Ficción GeneralMisunderstood, mistreated and always in trouble, Reina is no ordinary girl from the bunch of foolish and rebellious kids trying to find her true self and the right place for her existence. She kept her armor of arrogance and belligerence knowing tha...