*Reina*
I was shaken by the facts that my mom just delivered to me with a certain degree of conviction. It was unsettling, I had to admit.
But Tita Theresa tried to shake that off and said. "She's just bluffing, you know your mom, sasabihin niya ang lahat ng bagay na alam niyang makakasira ng loob mo."
For a second, I realized that but no, I know Mom all too well, she's not kidding this time. I knew when she was saying falsehood, this time, it was like a premonition. Like a prediction.
"Hayaan mo na yun, tama ang tita mo, tinatakot ka lang niya. Hindi naman magkakatotoo yun eh," Miles doubled, holding my hand. "Andito ako, 'wag kang mag-alala."
That made me sigh but still thinking about those haunting words.
"Let's go, dumarami na ang media. We need to keep you safe," coming from Tita Theresa.
Miles motioned me to the backseat of our vehicle.
"Can we use those vile words coming from her? Is it eligible for grave threat?" Attorney De Vega asked.
"I don't think so, she never directly spoke about killing her, she was just like what our senior says, bluffing." Attorney Sandejas answered.
"But then again, she's still a lunatic person to reckon with, we can't say she is sane enough to make those empty threats a reality but, we can't rule her out either as a possible suspect." Their senior, Tita Theresa pointed out. "Anyway, we should keep an eye on her."
Sumakay na kami sa loob ng sasakyan at kasalukuyang nasa biyahe na. Hindi pa rin ako mapalagay, bakit parang kinakabahan ako, hindi ko maipaliwanag kung ano 'to, pero ang malakas ang kutob ko, may kinalaman ang grupong nasa likod ni Tito Salvador, ayoko lang isipin na matapos ng mga pinaghirapan namin, mauuwi lang sa wala ang lahat.
I'm just hoping that when things are set and done, I can live a normal life again.
**********
Dumating na ang sulat na galing sa DOJ, natapos na kasi ang quick trial at nagbaba ng hatol, naging successful ang admission ko sa Witness Protection Program ng DOJ, dahil sa mga inihain na ebidensya at ilang palatandaan na maaring manganib ang buhay ko, pero hindi naman ibig sabihin nito na kailangan kong magtago, bibigyan lang ako ng ilang dagdag na proteksyon galing sa miyembro ng ahensiyang nasa ilalim ng Department of Justice at naaayon sa batas.
Maari rin akong pumili ng mga tauhan na itatalaga sa akin, kaya pinili ko si Kuya Vincent at ang team niya dahil mas kumportable na ako sa kanya.
Naging kumprehensibo ang mga naging hakbang ng prosekyusyon at binigyan ako ng ilang araw na paghahanda naaayon na rin sa mandato at ilang saklaw na prebilehiyo.
Naisip ko ring manatili na lang sa mansyon, para na rin sa ikakapanatag ni Tita Theresa at ng lahat. Dahil ako naman ang talagang may-ari ng bahay at malaki ang tsansang may mahanap kaming ebidensya kung mananatili ako sa sarili kong pamamahay.
Kahit hindi sang-ayon si Kuya Vincent at mas gugustuhin na manatili ako sa safehouse na itinalaga para sa akin, pumayag na rin siya since kasama naman yun sa privilege ko, kung saan ako magiging kumportable.
Sa mansyon ko na rin sana patitigilin ang boyfriend ko kaso tumutol na si Kuya Vincent, labas daw kasi ang kapatid niya sa kaso at maaring magkaroon ng conflict sa trabaho niya.
Kaya kahit ayaw ko, di ko pwedeng makasama ang boyfriend ko sa pananatili ko sa mansyon. Dun ako medyo nalungkot pero dahil yun ang nararapat, pumayag na rin ako.
Marami ang itinalagang mga tauhan ni Kuya Vincent sa palibot ng mansyon. Dahil malaki, kinailangan niya ng isang squad unit para bantayan ako, direkta silang sumusunod sa chief investigator na boss ni Kuya Vincent. Siya lang ang team leader na humahawak ng kaso ko.
BINABASA MO ANG
Queen Of Damn
Ficção GeralMisunderstood, mistreated and always in trouble, Reina is no ordinary girl from the bunch of foolish and rebellious kids trying to find her true self and the right place for her existence. She kept her armor of arrogance and belligerence knowing tha...