*Reina*
Hindi pa rin ako makapaniwalang nagawa ko yun, ang makipag-usap kay Seve sa huling pagkakataon.
At ang gaan.
Ang gaan sa pakiramdam. Ang luwag ng puso ko, wala nang kinikimkim na sama ng loob. Yung sakit, napalitan ng ginhawa, nagkaroon ng katiwasayan, ng katahimikan.
Ate Rossanne is right. It truly gave peace.
I took a deep breath and released a sigh. A sigh of relief.
I made it. The first step, I'm moving forward. Slowly but surely.
Matapos ang pag-uusap namin ni Seve, naisipan kong tawagan si Miles.
May kakaibang saya ang puso ko kapag naiisip ko siya.
Sinilip ko ang relong pambisig ko, alas dose na ng tanghali, baka nasa bahay na siya. I-d-in-ial ko agad ang number niya.
Ilang rin lang ay sinagot na niya. "Hello, nasa'n ka?"
"Nasa bahay ng tita ko, bakit?"
"Wala,"
"Bakit ka tumawag?"
"Wala lang," napangiti ako.
Narinig ko ang halakhak niya sa kabilang linya. "Bakit nga? May kailangan ka ba?"
"Mmm, gusto kitang makita, labas ka naman, kita tayo,"
"Wait lang, magpapaalam muna ako."
Dun ako natawa. "Kailangang magpaalam talaga?"
"Kasi baka hanapin ako ng lola ko, paborito kasi ako nun eh,"
Humagikgik ako. "Okay, sige. Hintayin ko ang tawag mo."
Di maalis yung ngiti ko dahil sa kanya. Ang cute ng pagiging good boy niya.
Naglalakad ako nung tumunog ang phone ko. Nag-text siya na paalis na siya.
Sumagot naman ako agad. I-t-in-ext ko yung location ko. Nag-okay siya kaya pinili kong maupo sa bench at maghintay sa malapit na parke.
Habang naghihintay, nagbukas ako ng FB at binasa yung mga notif na halos maximum na. Bakit naman ganito karami? Kahapon lang ako huling nag-open ah.
Ch-in-ecked ko at nagulat ako kasi may link na naka-tag sa account ko, dinadala ako sa isang FB page na may pangalang "Sports Idol" Lady Misa meet and greet fan date special.
Napatayo ako bigla at napasigaw. "WHAT THE FUCK!!"
Sino naman ang gumawa nito?! Tang-in* ah!
Kaya agad kong tiningnan kung legit yung page, yung mga number at email address maging yung mismong message box, nag-message ako.
"WHAT THE HELL?! Are you guys trying to get into TROUBLE?! If you don't want me to CHARGE cases against you, better yet delete this or else, you'll get what you deserve."
"Di ba kayo aware sa umiiral na Data Privacy Act at Anti-Cybercrime law? Kung ako sa inyo, tanggalin n'yo na 'to. Kung gusto n'yo pang manatili ang Page n'yo!!"
Gigil ako ng gumawa ng page na 'to ah! Kaige-igeng nananahimik ako, at talagang i-t-in-ag pa sa real account ko.
Sino naman kaya ang gagawa nito?
Mayamaya ay may nag-pm. Si Gianna.
"Oy, nakita mo na pala yung page! Buti naman. Daming sumali sa raffle 'no? Yung proceeds niyan, mapupunta sa Save Children movement, yung youth organization na sinu-support mo. Oh di ba? Bongga?!"

BINABASA MO ANG
Queen Of Damn
General FictionMisunderstood, mistreated and always in trouble, Reina is no ordinary girl from the bunch of foolish and rebellious kids trying to find her true self and the right place for her existence. She kept her armor of arrogance and belligerence knowing tha...