*Miles*
Tuliro at walang gana.
Ilang beses akong tinatanong at binabalik-balikan ng isang officer na nakatokang kunin ang statement ko.
Halos wala rin akong matinong tulog. Ilang beses akong bumabalikwas sa pagkakahiga ko, naaalala ko pa rin ang mga oras na yun.
Yung hitsura ng lalaki, nakadilat ang mga mata ngunit wala nang buhay...
Napatay ko ang lalaking iyon, nakapatay ako.
Ilang beses din akong pabalik-balik sa CR ng kwarto ko, ilang beses naghugas ng kamay, yung tipong dumudugo na kakakuskos ko. Pero ayaw pa rin matanggal yung dumi.
May dugo na sa mga kamay ko.
Walang anu-ano, napapaluhod na lang ako at napapaupo sa sahig ng CR, inilalabas ang isang mabigat na emosyong patuloy na linalamon ang dibdib ko.
Sobrang nagi-guilty ako.
Nalagay sa alanganin si kuya dahil sa akin.
"Mr Morales, oras na po ng pag-inom ng gamot n'yo—"
Maririnig ko na lang yung pagmamadali ng paa ng nurse. "Mr Morales!"
Tapos maririnig ko ang yabag ng paa niya na hihinto sa tapat ko. "May masakit po ba sa inyo? Gusto n'yo po bang tawagin si Doc?"
Napailing na lang ako.
"May nararamdaman ba kayo?"
Panay iling lang ako.
"Ang mabuti pa, lumipat na po kayo sa bed, mas kumportable po kayo dun,"
Hindi ko na inintindi, namalayan ko na lang na inaakay na ako ng nurse pabalik sa hospital bed.
"Ito, para kumalma po kayo," inabot nito ang gamot ko at pati ang isang bottled water.
Wala sa wisyo kong isinubo at nilagok ang tubig. Tapos inabot ko pabalik sa nurse.
Agad naman niligpit ng nurse ang mga kalat pagkatapos kunin ang BP ko, at body temperature. Paalis na ito nung biglang akong magsalita.
"Pwede ko bang malaman kung pwede na akong lumabas?"
Napalingon ulit yung nurse. "Ah, malalaman po mamaya, mukhang okay naman na po kayo, mga minor injuries lang kaya baka i-clear na kayo maya-maya lang."
Napabuntong hininga ako. "Ah, nurse, pwede ko bang malaman kung kamusta na yung nasa room 603?"
Ngumiti lang ito. "Stable na po siya, nasalinan na rin po siya ng dugo at nagamot na po ang mga sugat niya, she's out of the wood now."
Nakahinga ako nang maluwag sa narinig ko. "Pwede ko ba siyang puntahan?"
Ngumiti lang ulit ito. "Magpahinga muna kayo, baka maya-maya rin po, maari na rin kayong i-discharged." saka ito nagpatuloy sa paglakad papunta sa pinto. "Kung gusto n'yo po, matulog muna po kayo," saka naman ito lumabas at isinarado.
Hindi ko na lang sinunod ang payo nito at tumayo. Tinanggal na rin naman ang suwero kaya malaya na akong nakakalakad sa kwarto. Napahugot ako ng malalim na hininga bago ko inilabas saka ko tinanaw ang labas mula sa bintana ng hospital room ko.
Hanggang ngayon, di ko pa rin makalimutan ang mga nangyari dalawang araw nang nakakaraan. Sariwa pa rin sa isip ko ang mga nangyari, kahit nung dumating na ang mga pulis, hindi pa rin ako makapaniwala na nasaksihan ko ang lahat ng iyon.
At hindi ko yun ipinagmamalaki, kabaligtaran pa nga. Napatanaw na lang ako sa langit, hindi ko inaasahan na magiging ganito ang takbo ng buhay ko, pero kahit na
puro gulo ang mapalapit sa kanya at di malinaw ang bukas para sa aming dalawa, hindi ko siya kayang iwan, lalo na sa sitwasyon niya ngayon.
BINABASA MO ANG
Queen Of Damn
Genel KurguMisunderstood, mistreated and always in trouble, Reina is no ordinary girl from the bunch of foolish and rebellious kids trying to find her true self and the right place for her existence. She kept her armor of arrogance and belligerence knowing tha...