*Miles*
Hindi ako mapakali sa kinatatayuan ko at panay silip sa relo ko.
Maaga pa naman, excited lang ako na makita ulit si Crush.
Napangiti ako nung maalala ko yung kagabi. Inihatid ko siya ulit sa unit niya tapos nag-usap pa kami saglit.
Parang iba na siya kaysa nung mga unang araw na di pa ako nagtatapat ng feelings ko sa kanya. May nagbago talaga at ang nakakatuwa, mas naging close siya sa akin.
Kagabi, bago ako umalis, nag-good night kiss pa sa akin. Sa cheek lang naman pero bumilis yung tibok ng puso ko. Ayokong kiligin pero nakakakilig naman kasi talaga.
Feeling ko, nagkakaroon na rin siya ng feelings sa akin.
Assumero ng taon.
Baka kasi sweet lang talaga siya sa mga kaibigan niya.
Pero kahit ganun, masaya ako. Kasi lume-level up yung friendship namin.
Di mawala-wala yung kilig at ngiti sa mukha ko with matching kagat-labi pa.
"If ever bang maging tayo, papayag kang tumira kasama ko?"
Dun talaga ako kinilig nang sobra eh. She's considering me as a partner. A lifetime partner.
Di ko maiwasang mag-imagine. Ano kaya yung feeling nung magkasama kami sa iisang bahay, sabay gigising sa umaga, tapos mag-aalmusal, may kaunting harutan tapos lambingan.
Bigla akong natawa at dumikit sa pader para magpadausdos.
This guy is so in love!
When you find the one, you'll be the luckiest guy in town.
Umayos din ako nung may mga dumadaan na mga tao. Pero naka-walling pa rin ako. Nag-i-imagine ng future naming magkasama kaming dalawa.
Sana lang talaga.
Bawal mag-isip ng negatibo. Baka ma-jinxed.
Huminga ako nang malalim at dahan-dahang inilabas. Iginuguhit ang imahe niya sa isip ko na nakasuot ng puting bestida.
Gusto ko talaga siyang makasama, habambuhay.
Tumunog yung cellphone ko kaya naistorbo yung pagbuo ko ng hinaharap kasama siya. "Hello, good morning! Nandito na 'ko sa baba,"
"Kanina ka pa?"
"Mmm, mga ten minutes na rin,"
"Hala! Bakit di ka umakyat? Sana dito ka na sa unit ko naghintay,"
"Hindi na, dito na lang,"
Kahit naman close na kami, ayoko namang abusuhin. Iba pa rin yung tingin ng mga tao sa dalawang tao na hindi naman magnobyo't nobya. Ang sama. Kaya para iwas na sa mga salita ng mga malisyoso't malisyosa, dito na lang.
May gentleman's dignity naman ako kahit ganito lang ako.
"Sige, pababa na rin ako,"
Umayos ako ng tindig at pinagpagan yung suot kong t-shirt na navy blue na pinaresan ko ng straight cut blue jeans at casual sneakers. Okay naman yung suot ko kaso ewan ko ba, kinakabahan ako.
Hindi ito date, okay?
Hindi date
Hindi date
Hindi dateHindi kayo
'Wag mag-ilusyon
Walang kayo....
Sa ngayon, abang-abang ka lang.Langhiya ka innerself, may araw ka rin, itaga mo sa bato, magiging kami rin.
With conviction pa yun.
BINABASA MO ANG
Queen Of Damn
Ficción GeneralMisunderstood, mistreated and always in trouble, Reina is no ordinary girl from the bunch of foolish and rebellious kids trying to find her true self and the right place for her existence. She kept her armor of arrogance and belligerence knowing tha...