PROLOGUE

208 11 0
                                        

Dumadagundong ang malakas na tugtugin mula sa nakapaligid na speakers sa entrada ng establisiyementong namumutitik ang neon lights at kumukutitap na signage sa taas ng A&D na disenyo ng gusali.

Maingay, magulo at kumpulan ang mga miron na nakaantabay para sa opening ceremony na siyang pinakaaabangan ng lahat. Nakapuwesto na ang mga crowd control crew at maging ilang piling staff ng patimpalak sa gabing iyon.

Nakahilera na ang kalahok, anim silang naka-standby sa pagbibigay ng hudyat mula sa in house announcer.

"Are you guys having fun!!!"

"Yeah!!!"

Tanging sagot ng mga naroon maging ilang mga street dancers at ilang car models, napahinto sa kanilang ginagawa at nakiusyoso na rin.

Unti-unting humina ang tugtog dahil umakyat na sa itaas ng tower bridge ang host at guest host sa gabing iyon.

"These people are crazy, man. When did the last time we'd seen this kind of madness?"

"I don't know, Rick but I think that was just six months ago when we held the annual street car exhibition," ani ng isa pang commentator.

"Well, ang masasabi ko lang, parami nang parami ang sumasali ngayon taon, ano pa bang hinihintay natin, let's get this party started!"

Kasabay ng pagkasabi ng huling kataga ay lumakas na naman ang tugtog, upbeat club mix at ilang makabasag eardrums na bass. Malikot na rin ang mga beam lights na tila naglalaro sa langit maging yung mga side stream light na nakapuwesto sa magkabilang panig.

Habang nagaganap ang pag-aanunsyo ng dalawang hosts sa mga kasali, saglit na sinilip ni Reina ang phone niyang nagba-vibrate sa bulsa ng hoodie jacket niya.

Ate Rossanne :
Where are you? Been calling you. Hit me back when you get this. (3 hrs ago.)

Hindi niya pinansin pero nung sunod-sunod na ay binuksan niya saglit ang app para basahin ang ilang pang mensahe nito.

We should talk about this Reina. C'mon, I'm gonna listen (5s)

You know I'm just right here for you. (1s)

Binasa niya lang pero hindi siya nag-reply. Wala naman nang magagawa. Tapos na. Nangyari na.

Bakit pa siya magsasayang ng oras magpaliwanag?

Wala namang magbabago.

(loud noises in the background)

Huminga siya nang malalim at ibinuga iyon nang marahan bago niya in-off nang tuluyan ang phone niya. Saka ito initsa sa likod ng sasakyan. Sumilip siya sa bintana niya mula sa driver seat at sinipat ang G-shock watch niya. Limang minuto na lang bago magsimula.

(Upbeat music playing, crowd crowing the lyrics of the song)

Saglit na lang. May kaunting oras pa.

Kaya iginala muna uli niya ang mga mata sa customized car interior. Napangiti siya nang maalala ang unang panalo niya sa karera at ang kotseng gamit niya ngayon ang premyo.

Kasabay ng pagkaalala niya ng panalong iyon ay ang sumagi ring masamang alaala.

Yeah, like bittersweet memories. Get over it.

Madali niyang iniwagwag ang mga iyon sa kanyang isipan at pinilit na mag-focus sa kung anong nasa harap niya. Humugot uli siya ng malalim na hininga at inilabas nang marahan saka niya hinawakan nang mahigpit ang manibela.

Tumingin siya ulit sa bintana. Isang minuto na lang.

Binuhay na niya ang makina at pinainit sa pamamagitan nang sunod-sunod na rebolusyon. Lalong humigpit ang hawak niya sa steering wheel habang naglalakad na sa pagitan nila ang seksing babae hanggang sa nakatayo na sa harapan na may hawak na maliit na bandera ng club.

Queen Of DamnTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon