CHAPTER 12 (Old Friend, New Ties)

109 5 1
                                    

*Miles*

Tahimik na naman siya.

Sinundan ko lang siya habang palayo sa mga tao. Sa taong gusto niya.

Alam kong alam niyang nasa likod niya lang ako pero wapakels.

Minsan hindi ko na alam kung bakit ko pa ba ginagawa ito. Napakadesperado ko na talaga.

Pero hindi ko na masyadong iniisip yun. Ang importante, mapagaan ko ang loob niya. Mapansin man niya yung effort ko o hindi, nandito lang ako.

Napansin ko patungo siya sa old building, ilang hakbang palapit sa photo-journa club namin. Pero hindi kami dumaan sa mismong pasilyo, dun kami sa may gilid at papunta iyon sa likod. Nagtaka tuloy ako, pero sumunod pa rin ako kahit medyo di ko gusto ang tinutumbok naming lugar.

Nang nasa likod-bakuran na kami na naging tambakan na ng ilang sirang gamit, luminga-linga ako sa paligid. Dito ba siya madalas tumambay eh ang creepy dito eh. Kakaiba rin ang trip niya.

Pinagpagan niya yung ledge ng isang kalbong flower bed. Tapos sumilip-silip sa gilid. May hinahanap ba siya?

Kahit nakakaaning, Tinabihan ko siya. Parang hindi niya ako nakikita, tang in* na nga eh, sa laki kong ito, hindi man lang ako mapansin.

Payapa ang lugar na may kaunting humuhuning insekto at ilang ibon na dumadapo sa nag-iisang puno ng acacia sa may gilid. Tapos puro tambak na.

Ito ba ang ambiance na gusto niya?

Napahampas ako sa leeg ko. May lamok eh. Baka ma-dengue pa kami dito. Tapos nagulat ako nang napatingin siya sa akin.

"Pwede mo 'kong iwan dito, nilalamok ka na."

Umiling ako at siya naman, naglabas ng pakete ng sigarilyo. Naknang, kaya pala eh.

"Pwede mong ilabas yan, mas maganda kung may kasama ka kasi para hindi ka mapuno. Alam ko namang hindi mo gusto yung nangyayari pero, siguro ganun talaga."

Dedmatology na naman ako. Gusto ko nang umiyak.

Bumuntong hininga siya saka tumingala sa langit. Medyo makulimlim at ang alinsangan. Siguro kaya malamok na kasi tag-ulan na.

"I have a very bad day,"

Wala akong nasabi. Sino ba naman ang matutuwa, yung crush mo na ni-reject ka, araw-araw mo nang makikita. Ang awkward nun.

"Ang dami nang mga down moments na nagdaan sa buhay ko pero, ito na yung pinakanakakainis."

"Paanong nakakainis?"

"Bad trip, maging center of—"napahinto siya at napatingin sa akin, tila nag-aalangan na naman.

'Wag ka nang mahiya sa akin, bebe ko.

You can cry on my shoulder, di kita iiwan.

"Forget about it." huminga ulit siya nang malalim.

Gets, wala siyang tiwala sa akin. T _ T nakakaiyak na talaga.

Hindi ko na lang siya pipilitin. Baka magalit pa siya, mas di ko kakayanin yun.

Ako naman ang huminga nang malalim. "Kung gusto mo talagang mawala yan, mas magandang humanap ka ng taong mapagkakatiwalaan mo, sabihin mo lang, o kaya magalit ka o sumigaw, kasi kapag hindi mo inilabas iyan, ang sakit sa dibdib."

"That's what I always do, it never ends in the good way. I'm different from others, my way of letting out is hurting people."

"Try me,"

Tiningnan niya ako nang nagdududa. "Papayag kang sapakin kita?"

Nagulat ako. Pumikit at napangiting aso. Pero sa loob-loob ko, mapanakit ka pala pero okay lang, basta ikaw.

Queen Of DamnTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon