CHAPTER 4 (Batang EX-B)

132 7 9
                                    

*Lorraine*

"Anong problema nun?" tanong ni Benny habang nakatanaw sa lumayas naming bagong kaklase. Sapo pa rin ang kaliwang pisngi.

Nagkibit-balikat lang si Sab at tinanaw din ang nag-walked out naming kaklase.

"Di ko gusto ang babaeng iyon." seryosong tono at tila inis ang nahimigan ko kay Ash.

"Halika na, 'wag na lang nating pansinin. Baka allergic lang sa couple." hihilahin na sana ang kamay ko ni Sab, ang sissy ko. Pero mas nauna si Ash.

Enebe... Sabay tucked ko ng buhok sa tenga.

Siyempre hindi na ako umarte at kay Ash sumama. Ang Dark Angel ko.

"Di ba classmate mo siya dati, Lorraine?" urirat pa ni Benny habang naglalakad na kami.

"Oo, kaso di kami ganun ka-close, ang sama kasi ng ugali. Pero hindi naman siya basta nang-aano." pagbawi ko. Di ko lang masabi ang totoo kasi baka magalit sila dun.

Ang sama na kasi ng tingin ni Ash. Baka awayin pa niya si Reina.

"Baka may issue lang siya sa mga couple."

"Ewan ko ah, pero mukha naman siyang mabait. Okay siya sa 'kin. Ang galing mambara. Nakita n'yo naman yung ginawa niya dun sa tatlong Gorgons." at natawa pa talaga si Benny.

Naalala ko rin yun at di maiwasang mapangiti rin. Ganun na talaga kasi yung babaeng yun. Matalas ang dila at napakasungit. Maski ako noon, nakakatikim ng mga maanghang na salita dun dati.

Iyon tuloy, parati akong umiiyak. Walang araw na hindi ako nakikita. Hindi pa kasi ako marunong lumaban noon at parati kong itinatago kay Kuya Justin ang mga nangyayari sa school kaya ginawa tuloy akong target ng mga bully sa dati naming school.

Totoo rin yung sinabi ko na binu-bully ako ni Reina dati. Sa di ko malamang dahilan, ang init ng dugo nun sa 'kin. Wala naman akong naaalalang ginagawa sa babaeng iyon.

Baka naiinis lang siya kasi masyado akong cute.

"What's wrong?" untag sa 'kin ni Ash dahil sa pananahimik ko.

Umiling lang ako at pilit na ngumiti. "Nothing,"

Diskumpiyado siya sa sagot ko pero sa huli ay ngumiti na rin.

Wala eh, ang lakas ng charm ko, kasing laking ng suntok ni Pacman. Nakangiti kong bulong. KO agad.

"Pero sa susunod na may gawin yung babaeng yun sa 'yo, sabihin mo sa 'kin ah." mariing paalala niya na may kasama pang intense look.

Hala, nag-bounce back agad yung spell. EMEGED. Hangin please.

Bigla akong kinabahan na di mawari.

"Hindi ako aanuhin nun, saka marunong na akong lumaban,"

"Yun oh! Yan ang Captain namin." sabay akbay sa 'kin ni Benny. "Nagugutom ako, daan muna kaya tayo sa cafeteria." at himas-himas pa ang tiyan.

"Oy di pwede, may test tayo sa class ni Mr Cobarrubias. Bilisan na natin baka mahuli pa tayo, ang higpit pa naman nun." singit ni Sab na nagpatiuna na.

"Natatakot kayo sa Bundat na yun?"

Nasa ganung usapan sila nang malingatan ko si Reina na naglalakad sa labas.

"Hala, nag-cut class siya?" usal ko habang nakatanaw sa tempered glass wall ng bridge papuntang building A. Dun kasi kami sa commissary at food lab para sa practical test namin. May practicum din si Ash para sa Bread and Pastry kaya namin siya kasabay.

Queen Of DamnTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon