CHAPTER 11 (Socmed Scandal)

118 5 0
                                    

*Reina*

I woke up so early, having no decent sleep and no more tears left to cry. I cried hard all over again last night.

Mabigat sa loob kong bumangon mula sa kama, tinapunan ko ng sulyap ang digital clock at naupo sa gilid ng bintana kung saan tanaw mula doon ang view sa palibot ng condo ko.

Living in an urban place, things are just moving so fast, leaving those hindering sights of the past, behind. I just can't be like that. I can't afford to look back because that's the only time I felt alive.

But I know I can't live like this, I can't stay weak and defeated this long. I need to pick up myself and continue life but I just don't know how to start.

For now, I just want to sink deep in my despair, watching this life in me slowly going down the drain, this utter sadness breaking me down, shattering my core pieces to pieces right before my very eyes.

I threw a glance at the sky, a little bit gloomy and seemed a verging rain was about to pour, cloaking this morning with tropical blues.

Saglit pa akong nanatili sa ganung disposisyon bago ako nagpasyang maligo na. Panibagong araw na naman. Panibagong araw na walang kabuhay-buhay.

After I took a shower, groomed myself and wore my uniform, I took my fruit and veggies smoothies then grabbed a jacket, placing it inside my gym bag. Next, a foldable umbrella is in the side pocket of my backpack.

After I fixed my things for my school sched today, I went down and soon hit the road heading to school.

Kahit paano, nakapag-adjust na rin ako sa araw-araw at mas nadagdagan ang commuting skill. I become more street-wise. Mas okay pala ang mag-FX or yung tinatawag na UV Express.

Kahit maraming kasabay, at least hindi sunog ang pera ko. Mas naaaliw na rin akong mag-commute dahil bawat araw, may bago akong natututunan. Kahit mahirap at minsan sobrang traffic, at least, kapag nababato ako, titingnan ko lang ang mga katabi ko ay matatawa na ako.

Yeah, I picked on my fellow commuters, wala lang, trip ko lang. Kapag wala lang talaga akong magawa.

Hindi na rin ako masyadong nagrereklamo. Dahil kahit naman anong gawin ko, ganito pa rin ang magiging sitwasyon ko kinabukasan kaya, why waste my energy? Natanggap ko na. Siguro sa part na iyon, nag-matured ako.

Maaga pa nang marating ko ang school. Wala pa masyadong estudyante ang makikita sa quadrangle. Panatag akong naglakad patungo sa building ng first subject ko nang may tumawag sa pangalan ko.

"Reina! Hintay!"

Akala ko si Benedict na naman pero napakunot ang noo ko nang makita ang isang malapad na ngiti mula sa lalaking minsan kong nahingan ng tulong.

"What?" matabang na tanong ko.

"Ah, wala naman. Tatanungin sana kita kung magpapasabay ka. May orders ulit ako, malapit lang sa the Fort baka.. Gusto mong sumabay mamaya."

Tila hindi siya sigurado sa pinagsasabi niya. Kaya naglakad na lang ako. Naramdaman ko namang sumabay siya sa akin. "Wala naman akong gustong ipabili, saka fully stocked pa ang groceries ko."

"Ah, eh laundry na lang."

Tiningnan ko siya nang matalim. "I do my laundry myself,"

"Eh para saan pa na kinuha mo yung service namin?"

Huminga ako nang malalim at napatingin sa langit. "Gusto kong uminom, pwede ka?"

"Ha? Hindi pwede,"

"Kita mo, lahat ng gusto kong gawin, hindi ka pwede."

Queen Of DamnTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon