Extra Chapter - Miles-

122 3 2
                                        

‡Flashback‡
(Two weeks after the SSC, three days before Pageant)

*Miles*

Ang daming tao.

Matik kasi ngayon ang simula ng Sports fest. Halos mapuno yung buong front yard pati parking lot sa dami ng mga participants mula sa iba't ibang private schools sa distrito. Napailing na lang ako kasi matik na marami na namang liligpitin mamaya. Anong oras kaya ako makakauwi?

Malapit na pala ang 78th birthday ni lola. Naalala ko tuloy yung mga bayarin tapos yung miscellaneous pa na di ko pa nahuhulugan. Takte kasi, kahit scholar ako, may mga binabayaran pa.

Mga fees na hindi naman kami ang nakikinabang. Gaya ng renovation ng ilang faculties at beautification nitong school. Oo na, para sa school naman yun kaso di naman namin mabibitbit yun pagka-graduate namin. Okay pa yung mga electric at water bills pati yung Wi-Fi connection ng school. Kaso sa mga regular students lang allowed, restricted pa, sa mga fully paid lang.

Hay, kailan ba ako makakatikim ng libre dito sa school? Lahat may bayad. Ito pang inaalala ko, yung graduation fee pa.

Punyemas, ang daming bayarin, wala namang masyadong income.

Struggle is real talagang mag-aral.

Napabuntong hininga na lang ako at napatingala sa langit. "Papa God, bigyan mo naman ako ng kahit kaunting clue, kahit numero na lang sa Lotto, para matapos na ang mga aalalahanin ko."

Speaking of Lotto, naalala ko si Bebe ko, iniiwasan niya kaya ako? Kasi di siya pumasok kahapon. Feeling ko na-awkward sa akin. Lang hiya kasi eh, bakit kasi di ako nagising bago siya, di sana nakasibat ako at di siya natakot.

Ang sakit tuloy ng likod ko. Ang lakas ng lagapak ko sa sahig malapit sa kama niya, buti na lang may carpet, nasalo ako kahit kaunti kaso ang solid nung tunog ng pwet ko. Instant boom gising talaga ako.

Hay.... Mas mabuti pa sa Lotto, may chance na mamuro, three numbers na tamaan mo, balik taya, kaso sa kanya, walang ka-chance-chance manalo.

Napabuntong hininga na lang ulit ako tapos napalingon sa mga nag-iingay sa bandang unahan. "May celebrity na naman siguro,"

Di ko masyadong pinansin kaso nung tumindi yung sigawan, napabaling yung atensyon ko sa mga nag-iingay tapos dun sa pinagkakaguluhan.

Tsk, ano ba yan, yung taga-AOSAT na naman.

Tapos napadoble-tingin ako kasi namumukhaan ko yung lalaki. "Tang in*, siya na naman?"

Yung matangkad na lalaking parating dinidigahan si Bebe ko. Nakakainis nga eh, kasi ang layo ko nung hina-harass nito nung third day events bago makapasok yung rep namin sa finals.

Buti nga, sinapak ni Bebe ko.

Kaso nakakagigil. Sarap sipain kasi masyadong mahangin. Tapos kung magsalita pa, akala mo naman...

Pero di ako nagseselos ah!

Slight lang.

Napaismid ako at kusang naglakad. Ma-stalk ko nga, baka may kung ano na namang gawin dito.

Hindi pa ako nakakalayo, namataan ko yung tinititigan ng lalaking iyon. Shete! Kay Bebe ko siya pupunta. Napalakad-takbo tuloy ako.

"Good morning, sunshine!" bati nung mayabang na lalaki.

"Luh," nag-react naman yung isang kasama ni Bebe ko, yung bed head na lalaki na laging tambay sa cafeteria.

"Anong ginagawa mo dito?" asik na tanong ni Bebe ko.

Queen Of DamnTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon