*Reina*
A week passed, my recovery was getting better, and after four days in the hospital, I decided to go back to the mansion with a ton of bodyguards and agents mandated to observe me nearby.
Nagkalat ang mga nagroronda at nagpa-patrol na security team sa palibot ng mansyon para masiguro talagang safe ako.
Dininig din ang kaso ko laban sa Mom ko, na stepmom ko lang pala at stepdad ko. Um-attend din ako ng hearing pero dahil sa kondisyon ko, saglit lang at ibinalik na ulit ako sa hospital.
Nagbigay ako ng testimonya na pinatibay din ng ilang ebidensya na lumabas, mga palitan ng text messages, ilang convo sa telepono na na-recovered sa crime scene.
Dawit naman si Mom dahil sa pagtatago ng ebidensya at pagiging accessory to the crime. Dahil sa patung-patong na kinahaharap na kaso, hindi na sila nakapagpiyansa pa at kasalukuyan nang hawak ng NBI para panagutin sila sa ginawa nila.
Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko. Galit kasi sa dami ng mga taong nadamay, inis kasi hindi talaga nila pinagsisisihan ang mga iyon at pagod, dahil sa halos walong buwan na pakikipaglaban ko sa kanila, nakamit ko na rin ang hustisyang nararapat.
Pero hindi rin ako pinatatahimik ng mga alalahanin ko tungkol kay Jett. Gaya nila, nakakulong din siya at nasa kustodiya rin ng NBI para sa money laundering, illegal possession of firearms, falsification of documents at iba pang may kinalaman sa negosyo niya.
Hindi rin ako pinatutulog ng mga panaginip ko, na para bang nanunumbalik ang lahat.
Ang sabi ni Doc Salcedo, attending psychiatrist ko, baka daw dahil sa traumatic experience ko nitong recent na pagkidnap sa akin, nagawa nitong i-triggered ang ilang memorya ko na nawala dulot din ng isang trauma.
A déjà vu experience that somehow recovered my lost memories in the past seven years—going eight this coming May.
And it was not a good idea. Mas tumindi, mas naging nakakakilabot at mas nahihirapan na akong alisin sa isip ko.
Sa tingin ko, magandang bagay na rin na nakalimutan ko na sila. Pero dahil din sa paglinaw ng memorya ko, unti-unti ko ring napagtugma-tugma ang lahat, yung mga narinig kong pag-uusap nila Mom at Tito Salvador, yung paghalungkat nila sa mga gamit ni Dad, yung pagtago ko ng mga sikretong dokumento, yung tungkol sa mga palatandaan, sa painting, sa cellar at ngayon ngang hawak ko na mga susi. Hindi pa masyadong klaro sa memorya ko pero, may koneksyon lahat iyon, kaya ko itinago.
At hindi ako titigil hangga't di ko nalalaman ang lahat.
I was merely an adult, more like in between a kid and a teen when Dad, gave me these keys, half of them were down from our family, an heirloom I guess, but most of them were the key to my longing answer. And probably this is the common reason why Dad was gone.
May mabigat na sekreto tungkol sa pagkawala ni Dad, at kung tama ang kutob ko, may kinalaman din ang grupong kinabibilangan ni Jett—ni Kuya Ysaak dahil hindi niya ilalagay ang sarili niya sa alanganin kung alam niyang nasa peligro ang buhay ko.
I knew Jett, he was always there, he made me believe in him, and for some reason, I couldn't even hate him that much, especially after what he had done, hiding his true identity from me for all these years, and the mind-boggling question, how did he vanish and come back to me with a different name? Just like that.
Marami pa ring gumugulo sa isip ko, marami pa ring tanong na di ko kayang hanapan ng kasagutan.
Isa na r'on ang pagkakawala ng memorya ko, was it all just an imaginary thing? A curse? Or it could be something to do with my mental health condition?
BINABASA MO ANG
Queen Of Damn
General FictionMisunderstood, mistreated and always in trouble, Reina is no ordinary girl from the bunch of foolish and rebellious kids trying to find her true self and the right place for her existence. She kept her armor of arrogance and belligerence knowing tha...
