*Reina*
I decided to drop the idea and chose to go back home. To reclaim my precious nap and stay in bed all day long. But Vonne's last sentence resounded in my head.
"Where is that lady that slams everything that gets in her way... Hindi na ikaw ang dating Sprinter na kilala ko..."
Am I changing? Talaga bang hindi na ako ang dating hard-headed at warfreak na atleta, na lahat ng bumangga ay natutumba, figuratively and physically speaking?
Suddenly, I missed running.
Habang nilalakad ko ang avenue na pinalilibutan ng gaming arcade at ilang novelty shops, napansin kong may nakamasid sa akin kaya napalingon ako sa likod ko at sinilip ang mga kanto, hinahanap kung sinuman ang nagmamatsag sa akin. Feeling ko si Ike na naman 'to eh.
Nung bigo akong makita ni hibla ng buhok ng lalaking iyon, nagpatuloy na lang ako sa paglalakad. Siya lang naman ang mapapagod, bahala siya sa gusto niya. Trip niya akong sundan, pwes, wala akong pake.
Habang naglalakad sa sidewalk ay nakikiramdam lang din ako. Nang makalayo na mula sa bukana ay hinayaan ko na lang. I felt someone was really dogging me out.
Then I reached the corner. Again, I sidled a glance but still no one was there. I gave up and continued to walk heading to the lining up com shop, cafes, some merchandising outlet, hardware and a street court right to the corner. Yung mismong court kung saan ko nakitang hina-harrass yung dalawa nung last Friday.
Napatigil ako at nagtingin-tingin sa paligid bago ako naglakad muli.
May mga malapit na residential din pala at mga sportswear shop, bike shop at ilang repair shop for some old appliances.
Nasa pagtanaw ako ng mga establisiyemento sa paligid nang may makita akong kaguluhan sa bandang unahan. Actually, tatlong binatilyo iyon at may pinapalibutan na isang bata?
"Bigay mo na sa 'min ang baon mo boy."
"Ayoko nga, sino ba kayo?"
Tinulak ng isang binata na nakauniporme pero hindi nakasara, kita ang sando at nakausli ang bilugang tyan nito.
"Sumasagot ka pa eh, ha." binatukan naman ng isa sa gilid. Yung may kulay ang buhok.
Nasaktan yung bata kaya umiyak. "Isusumbong ko kayo,"
"Lagot ka Jasper, isusumbong ka raw," ginaya pa ng isang may hikaw sa ilong yung tono ng bata saka sila nagtawanan.
Tinulak pa yung bata, dahilan para matumba.
"Akin na ang bag mo,"
"Ayoko!" sigaw nung bata pero hinablot na ng isang may kulay sa buhok yung bag pack nito.
Naghilahan sila nung lalaki saka ako umeksena.
"Tigilan n'yo na nga siya! Mga gago pala kayo eh, bata lang ba ang kaya n'yo?" lumakad ako palapit.
Nagsitinginan sila sa akin. Nakilala ko naman yung isa, yung nakauniporme. Sabi ko na, si Miggy nga.
"Ano namang pake mo, ha?" tapos tiningnan ako ng isang nakahikaw. "Pwede, gusto mo bang ikaw na lang ang paglaruan namin?"
"Mga gago pala kayo eh."
"Hoy babae! Ingat ka sa mga binibitawan mong salita."
"Bakit? May palag ka ba? Baby Damulag? Hanggang dito, nandadarag ka? Wala ka bang magawang matino?"
"Kilala mo yan, Migs?" tanong nung nakahikaw.
"Oo, yung dati kong nakalaban sa suntukan nung junior high."
BINABASA MO ANG
Queen Of Damn
General FictionMisunderstood, mistreated and always in trouble, Reina is no ordinary girl from the bunch of foolish and rebellious kids trying to find her true self and the right place for her existence. She kept her armor of arrogance and belligerence knowing tha...