*Reina*
This week had no difference from the other week that passed.
B-O-R-I-N-G.
I took a cab heading to school, attended my first to third class and took a light meal in the cafeteria, met few glares and sneers from the bitches in the hall, avoiding bumping into Mr President and his big ego then took a few more classes before our classes ended early due to elective teachers' meeting. I decided to take a break, walking to the backyard of the school.
In there, I saw wired fences and concrete walls with few cracks. I noticed that this part of the school seems dilapidated. Well, the place looks old, with soggy paints and a sagging waterspout.
Sitting on the empty flower bed ledge, I looked furtively. Then I pulled out a pack of menthol cigarettes from my blazer pocket.
I was fishing for my lighter when I heard a tiny noise. It was so pitchy but low.
So I looked around, searching for something creating that sound. I was on my knees and peeking at every corner.
Then I saw a small ball of fur curling in the thick bed of mosses. It purred again, probably calling for its mom.
Aww...
Kinuha ko yung muning at sinipat nang malapitan. May kaunti pang muta at nakapikit na yung isang mata. Hindi siguro nago-groom ng nanay.
"Kawawa ka naman, nahiwalay ka ba sa mama mo?"
Panay lang ang huni nito at halos mapaos na.
"Tara, hanapin natin ang mama mo." bitbit ko yung muning, naglakad-lakad ako at hinanap ang nanay na pusa.
Sinilip ko ang bawat siwang at sulok ng lugar. Nung hindi ko na talaga mahagilap, inilapag ko yung miming sa isang karton na nakita ko.
"Babalik din siya, hintayin mo na lang dito." alo ko habang himas-himas yung ulo nito.
Lalo pa itong nagpakamot at tumigil na rin sa pag-iyak. Ilang saglit pa ay nakatulog na rin ito.
Kaya naman inilagay ko na lang yung karton sa lugar na hindi mababasa kung biglang umulan.
I'm always fond of cats. I actually had two pet cats; a tabby and a short-haired cat. but sadly, they both died due to old age. I outlived them, having them when I was six.
Nilingon ko pa ulit yung natutulog na muning at nangakong babalikan siya kapag hindi ito nakita ng ina. Hindi pa man ako nakakalayo, may nakita akong isang kulay orange na pusang lumundag mula sa pader.
Napahinto tuloy ako at tinanaw kung saan ito pupunta. Dumako ito sa lugar kung saan ko nakuha yung kuting. Tapos naghanap-hanap. Gumawa ito ng huni na tila hinahanap ang anak.
Mayamaya ay nagising yung kuting at sumagot din. Pinuntahan ng pusa at inamoy-amoy bago binangag sa leeg at binibit papunta sa siwang. Napangiti ako sa ipinakita ng pusa.
Buti pa yung muning, binabalikan.
Ako, iniwan at pinabayaan nang mag-isa.
Mas mabuti pa ang hayop na ligaw.
Wala ako sa wisyo ko nang naglakad ako pabalik sa main building at nagpatuloy sa paglalakad sa quadrangle. May narinig akong tumawag sa akin pero di ko pinansin. Tuloy-tuloy lang ako sa paglalakad hanggang sa hawakan ako ni Benedict sa braso.
"Grabe ka naman! Pinahabol mo pa talaga ako." hingal na hingal nitong bungad habang nakayukod. "Sama ka sa 'min? Food trip kami."
"Hindi ba kayo magpa-practice? Sa Friday na yung sunod na laban n'yo ah?"
BINABASA MO ANG
Queen Of Damn
Aktuelle LiteraturMisunderstood, mistreated and always in trouble, Reina is no ordinary girl from the bunch of foolish and rebellious kids trying to find her true self and the right place for her existence. She kept her armor of arrogance and belligerence knowing tha...