CHAPTER 29 (Cuddle Friends)

135 3 2
                                    

‡Flashback‡

*Reina*

Hindi pa rin ako makapaniwala sa narinig ko. Wedding planner lang pala nila yung babae. Nakakahiya, muntik na akong gumawa ng eksena kanina.

"Oy, okay ka lang?" untag ni Miles at kinalabit ako sa gilid.

"Yeah, let's go."

Naglakad na kami pabalik sa sasakyan at sumakay. Nagmamaneobra ako ng sasakyan nung itinuro niya si Ate Rossanne.

"Ate mo oh, paalis na rin pala."

Napahinto tuloy ako at tinitigan muna silang dalawa ng fiancé nito. Nag-usap pa sila bago pareho nilang tinungo ang kotse ni Ate Rossanne, may tinawagan lang si Kuya Keith pero sumakay na rin sa driver seat.

Napabuntong hininga ako nang malalim at itinuloy ang pagmamaneho paalis sa lugar. Nasa daan na kami nung magsalita ulit siya.

"Kaano-ano mo yung babae?"

"Anak siya ng attorney ko, basically hindi ko siya kamag-anak, family friend kasi ng dad ko kaya, parang pamilya na rin ang turing ko sa kanila."

"Ah, I see." natahimik na ulit siya.

Maya-maya ay inabot na niya yung milk tea at yung food na binili niya.

"Pakilapag na lang sa holder," usal ko habang lumilipat sa kabilang lane.

Ang bagal nung nasa harap ko.

"May food din akong binili, baka gusto mong mag-rice in a bowl."

"Oy, talaga?"

Itinuro ko yung isang plastic. "Sa'n dito yung sa 'yo?"

"Kahit alin, pasensya na, Tapsilog lang ang kinuha ko at bacsilog, Pili ka na lang kung alin dyan."

"Tapsilog sa akin,"

Ngumiti lang ako habang kumakain siya. Ang bilis ng kain niya, nakailang subo lang, tapos nang kumain. Saka ininom yung milktea niya. "Subuan kita? Gusto mo?"

"Okay lang sa 'yo?"

"Oo naman, baka kasi gutom ka eh,"

Tumango na lang ako. Habang nakatigil, sinubuan niya ako. Kaya kahit nagmamaneho, nakakain ko yung food ko.

"Madalas mo bang gawin 'yan sa mga nakakasama mo?" tanong ko habang paubos na yung ngununguya ko.

"Hindi naman. Nasanay lang kasi ako dahil sa lola ko." inalok naman niya ako ng milk tea.

"Naks, ang swerte naman pala ng lola mo."

"Magse-seventy-eight na rin kasi siya kaya marami nang nararamdamang mga sakit sakit."

"Ah, my lola died at 65, colon cancer."

"Yung lola ko, malakas pa naman kaso lately naging mahina yung immune system. Nagka-mild pneumonia, kaya nga sabi ko kina Kuya Boks at Kuya Jiggy, 'wag nang manigarilyo sa bahay kasi nalalanghap ni lola."

"So that's why you hate people who are smoking."

"Di naman sa ayaw, parang wala lang kasi akong maisip na magandang dulot nun sa sistema ng katawan ng tao,"

"Kapag nagsasalita ka, feeling ko napakabait mong tao, yung tipong walang bisyo,"

Ngumisi lang siya. "Di naman, nag-iingat lang. Kailangan eh, kasi sa panahon ngayon, mainam nang maging wais ka at matalino sa pagpapasya. Di dahil bata ka pa, aabusuhin mo ang kalusugan mo, maging responsible ka sa mga bagay na alam mong makakaapekto sa paligid mo at sa sarili mo di man ngayon pero sa hinaharap,"

Queen Of DamnTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon