CHAPTER 14 (Birthday)

142 5 11
                                    


*Reina*

Kalahati na lang yung naabutan ko sa jumping events at nakita kong nauungusan na ng team namin yung ibang team, napansin ko rin yung excitement ng mga tao.

Napangiti na lang ako kasi maganda ang performance ng mga ka-team ni Lorraine, naglaro rin si Asungot, kaya hinanap ko kung sinong wala, hindi ko mahagilap si Juan Carlos, siguro may emergency.

Habang naglalakad-lakad ako, napansin ko ang ibang school at nakita na naman ang dati kong school.

Nagpatuloy lang ako sa pagmamasid hanggang sa may humarang sa harapan ko.

"Oy! Former classmate, kamusta ka na!"

Napakunot ang noo ko pero hindi ko siya pinansin, umiwas lang ako.

"Dedma, uy, para namang wala tayong pinagsamahan niyan," humabol pa sa akin yung babae.

Nilingon ko at tiningnan siya nang mula ulo hanggang paa. "Who are you?"

"Nakalimutan mo na agad, my God Queenie naman eh, limot agad yung tungkol sa 'tin."

Lalong lumalim yung kunot ng noo ko. "Hindi kita kilala, nagkakamali ka lang." tinalikuran ko na lang. Wala akong panahon sa mga nagpapanggap.

"Nakalimutan mo nang ako yung kasama mo nung nanalo ka sa swimming contest sa school, ako yung nagdadala ng mga gamit mo tapos nung nanalo ka sa Intrams quiz bee, ako yung personal assistant mo nun, last year di ba? Sumali ka rin dito, kasama mo pa nga sina Kuya Jameson at Kuya Bryce, tapos niligawan ka ni Vonne, kaso binasted mo kasi—"

Agad kong tinakpan ang bibig niya. Ang daldal eh. Agad din niyang tinanggal yung kamay ko.

"Sino ka ba? Hindi kita matandaan," inis na tanong ko. Kairita ang babaeng 'to ah.

Ngumiti siya at lumapit. "Michi, si Michiko Nakano, yung classmate mo at dorm mate mo nun kaso umalis ka kasi di mo kaya yung may kasama sa kwarto."

Oh now I remember, ugh. Siya yung nakakairitang babae na sunod nang sunod sa akin. Nakakailang at nakakabanas kasi parating nakabuntot sa akin, saan man ako magpunta. Parang baliw na nga, di ko alam kung tibo ba 'to o sadyang weirdo lang.

"Good to see you in good shape, hindi ka na naka-cast at saklay. Oy, bagay pala sa 'yo ang black skater skirt, ganda rin ng grey hoodie mo ah."

Napaikot na lang ako ng mga mata saka siya tuluyang tinalikuran.

"QUEENIE! MAGCHI-CHEER DIN AKO SA SCHOOL MO!"

Napalingon na naman ako kasi ang lakas ng boses ng babaeng iyon.

Hindi ko na lang pinansin at naglakad palayo. Baliw na yata ang babaeng iyon.

"We love Queenie! Q-u-e-e-n-i-e! We love Queenie! Q-u-e-e-n-i-e!"

Bigyan ko kaya ng malutong na kaltok ang babaeng yun?

"Mukhang hyper na naman si Michi,"

"Fuck!" I blurted out when a girl suddenly materialized in front of me. "How long have you been there?"

Queen Of DamnTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon