*Reina*
Days had passed and February was coming like a breeze. They were burning their heads with studies, cramming for exams and late projects. While everyone was stressing out about those student dilemmas, I'm freaking out with my upcoming hearing.
Hindi lang yun, about sa issue sa school at ilang mga pending charges para sa mga gumawa sa akin ng ganitong eskandalo. Ayaw ko na nga sanang paabutin pa sa ganito kaso si Tita Theresa, nanindigan. Hindi na daw pwedeng palampasin yung mga ganito. Kaya hindi raw nadadala kasi hindi ko sila binibigyan ng karampatang kaparusahan.
Lagi ko lang daw kinikibit-balikat, naturingang may pag-aaring law firm tapos hindi ko raw ipinaglalaban ang karapatan ko. Kung petty rumors lang pwede pang palampasin, kaso slander e. g. cyberlibel at invasion of privacy na ang ginagawa nila, idagdag pa ang paghalungkat sa isang legal property o disclosure of private information vital for ongoing cases press charged against my mom and her new husband.
Yung tungkol sa audio clip na paniguradong gagamiting ebidensya laban sa nag-post na nag-viral na mga videos and photos.
Sa sobrang dami na gustong kasuhan ni tita, hindi na ako nakialam. Meron pa yung mga nagpakalat. Nag-post pa siya sa official website ng law firm office namin at pinalathala pa sa dyaryo. Di lang yun, nagpa-press con pa siya. Kaya tuloy, na-headline na sa balita. Sikat na sikat yung SLJA for a week.
Gusto ko nang lumubog at kainin ako ng lupa. Ang precious privacy ko, nasaula na naman at nasangkot na naman ang iniingatang pangalan ng family ko sa ganitong intriga.
Kaya ayokong iparating kay Tita Theresa 'to eh, ang grand ng rebut. Di ko kinaya.
Gusto ko nang matapos ang lahat ng ito.
'Ayan tuloy, lahat ng makasalubong ko sa school, umiiwas at wala na ring akong naririnig na mga nagbubulungan sa likod ko.
Natakot na yata silang pagpiyestahan ako. May legal assessment nang nakapaskil sa ibabaw ng ulo ko.
"Wag n'yo nang pag-usapan, kakasuhan kayo n'yan."
Yun yung nakikita ko sa mga mukha nila sa tuwing titingnan ko sila.
Maski sa room namin. Naging mabait lahat kahit yung tatlong ampalaya girl.
Ayoko sana ng special treatment kaso nakakatawa na nakakailang lang. Feeling ko kaunting maling salitang pupunahin ko galing sa kanila, nanginginig na sila sa akin.
Ayokong pag-usapan, pero ayoko ring pangilagan.
Hay, bumalik na naman ako sa dati. Sa mga former schools ko, halos lahat dun, private, isang beses lang naman akong nag-public, at dun ko nakilala si Lorraine.
Kahit dun, special treatment din ang inabot ko. Yung kahit sinasagot-sagot ko yung teacher, hindi ako napapatalsik, ang pinakamalala lang nung nakipagbugbugan ako, nasangkot sa riot at muntik nang may mamatay.
Ako yung tinurong pasimuno. Kaya nauso yung gangster kasunod ng pangalan ko. Hindi naman ako gangster, wala nga akong gang. Siga oo. Warfreak at mainitin ang ulo. Kahit teacher sinasapok ko.
Bumabalik na naman tuloy yung pakiramdam na yun. Yung feeling na mag-isa lang ako. Wala akong kasangga kundi sarili ko lang.
Biglang may sumandal sa balikat ko, tapos may tumabi sa akin bandang kanan ko. Nasa fountain kasi ako nakaupo.
I didn't have to look just to check, si Archie at Benedict yun, pinagitnaan nila ako. Nakangiti lang sila sa akin na nakakaloko.
"Anong problema n'yo?"
"Wala, sama ka sa 'min," aya ni Benedict.
"Saan? Bakit?"
"Basta, 'wag ka nang magtanong." pareho pa nilang hinila ang kamay ko patayo.
BINABASA MO ANG
Queen Of Damn
Algemene fictieMisunderstood, mistreated and always in trouble, Reina is no ordinary girl from the bunch of foolish and rebellious kids trying to find her true self and the right place for her existence. She kept her armor of arrogance and belligerence knowing tha...