Dahil nag-enjoy ako, may part 2. Wala lang, gusto ko lang kayong pakiligin *wink.
*Reina*
Halos hindi pa rin si Miles makatingin nang diretso sa akin. Gusto kong tumawa nang malakas kaso baka ma-offend siya. Ang cute.
Namumula pa rin yung mukha niya, sa inis at hiya. Tinakpan ko na lang ng katawan ko yung front part niya nung makita kami ng tita niya.
"Andyan lang pala kayo, tena, nakahain na. Sabay-sabay na tayong magsalo sa hapag,"
"Sige po, susunod po kami." sagot ko.
"Ayos ka lang ba, Bunso?"
"O-okay lang po 'ko, tita," sumagot naman siya mula sa likuran ko.
"Mukhang hindi eh, pawis na pawis ka," tangkang lalapit pa sana.
Humarang ako. "May kukunin lang po ako, magpapasama lang po ako sa kanya sa kwarto," sabay siko ko sa kanya.
Tumikhim siya. "Magpapalit daw siya ng damit,"
"Oh eh, akala ko wala kang dalang damit?"
"Pinahiram po siya ni Ate Opel." palusot niya.
Magtatanong pa sana kaso tinawag ng isa sa mga kaibigan. "Mare, uuwi na kami, aabutan pa kami ng alas dose sa daan."
"Ah, sige. Dinamihan n'yo ba ang iuuwi n'yo?"
"Oo, okay na 'to, sige salamat ah."
"Ano ka ba, wala yun. Ikamusta mo 'ko kay pare."
"Una na rin ako, walang kasama yung bunso ko eh. Tsaka hinintay na yung uwi ko,"
Habang kinakausap ng tita niya yung mga kumare nito, tumakas na kami. Hinila ko na siya papunta dun sa hallway at sa hagdan. Paakyat na kami nang makita naman kami ng lola niya.
"Ayan na pala ang apo ko! Alam n'yo ba? Magaling ang apo kong mag-gitara, di lang yun, kumakanta rin. Pakitaan mo nga sila apo,"
Kausap yung ibang mga bisita nilang kapitbahay. May dalawang babaeng ka-edaran namin at tatlong ginang.
Yung isa, nagpa-cute pa sa kanya tsaka nagsihagikgikan.
"Mamaya na lang po," hinawakan na niya ang kamay ko at binulungan akong bilisan namin.
"Sino po yung kasama ni Miles, Lola Pina?"
"Ah, iyon ang nobya ng apo ko."
Napangiti ako sa sinabi ni lola. Napakagat labi na lang akong naglakad sa likuran niya.
"Di ko alam na may nobya na pala si Miles, Lola Pina. Kailan pa sila?"
"Naku, Ditas, huli ka na sa balita."
Naulinigan ko pa yung boses ni Ate Opel hanggang sa nakalayo na kami.
Dinala niya ako sa kwarto niya at pinauupo. Pinili kong maglakad-lakad. Siya naman, tumakbo sa banyo.
Nang mapagod yung paa ko, naupo na ako sa dulo ng kama habang pinalilibot ko ulit ang mga mata ko. Simple lang din gaya ng ibang kwartong ipinakita niya sa akin nung unang punta ko dito. Modern na yung part ng bahay sa itaas, pero may natitira pa ring kahoy na wall panel.
Tiningnan ko yung mga nakapatong sa nightstand pati yung ilang gamit sa gilid. Nakatapat yung kama sa isang maliit na bintana na may ruffled curtain.
Halatang madalang lang tauhan kasi medyo maalikabok pero, okay lang. Matatagalan ko naman. Linisin ko kaya?
Tatayo na sana ako nang lumabas si Miles, naka-bath towel lang at basa ang buhok. Nagtutuyo siya ng katawan gamit ng face towel nang matigilan. Tapos nagkatinginan kami.
BINABASA MO ANG
Queen Of Damn
General FictionMisunderstood, mistreated and always in trouble, Reina is no ordinary girl from the bunch of foolish and rebellious kids trying to find her true self and the right place for her existence. She kept her armor of arrogance and belligerence knowing tha...