*Reina*
Kinakabahan ako at hindi mapakali.
Kanina pa kasi akong naghihintay sa ibaba ng Paul Building, ang building ng klase ni Miles.
May ilang segundo pa akong naghanap bago ko siya natanaw, bumababa sa hagdan. Napangiti agad ako at lumapit.
"Kanina ka pa dyan? Dapat umakyat ka na lang," bungad niya.
"Hindi ko kasi alam yung room mo eh," palusot ko. Napayuko pa ako.
Ang totoo niyan, alam kong nasa second floor, third row from west wing yung room niya, ayoko lang kasing gumawa ng eksena, maaga kasing natatapos ang klase namin kumpara sa kanila. Baka kasi asarin siya ng mga kaklase niya dahil sa akin.
"Tara," lumakad na kami habang hawak na niya yung kamay ko.
"Oy, tingnan mo oh, yung scholar at yung babaeng gangster,"
"Sila na ba?"
"Parati ko silang nakikitang magkasama eh, siguro."
"Balita ko nga nung last week, gumawa ng eksena yung scholar na 'yan, hinarana yung girl sa harap ng maraming tao,"
"Ang sweet naman, sana ako rin,"
"Bagay sila, yung isa sampid sa school, yung isa naman sakit sa ulo,"
Narinig ko pang naghagikgikan yung mga nasa gilid at nasa likuran namin.
Bibitawan ko na sana yung kamay niya kaso lalo pa niyang hinila ang braso ko at pinagsalikop pa ang mga kamay namin. "Wag mo silang pakinggan, inggit lang sila. Basta kung anong meron tayo, yun lang ang mahalaga, hindi nila alam ang meron sa 'tin kaya pabayaan mo na lang," sabay tingin sa kanila nang masama. "Mga panget kasi kayo, try n'yong baguhin ang ugali n'yo, baka sakaling may magkagusto sa inyo."
Napalingon ako sa kanila at nakita ang naging reaksyon nila. Muntik na akong matawa. May natatago rin pala siyang angas.
"Mga salot kasi, bagay na bagay kayo."
Di na naman pinansin, natawa na lang kami habang naglakad palayo. Wala na akong pake sa kanila, basta kasama ko siya.
Kasalukuyan kaming naglalakad sa quadrangle.
Natahimik kami sandali bago niya bahagyang hinila ang kamay ko. "May naisip ka na bang paraan kung paano mo sasabihin sa tita mo yung tungkol kay Jazzmine?"
Napatingin tuloy ako sa kanya tapos napaisip. "Wala pa, hanggang ngayon, hindi ko pa rin sinasabi kay tita."
"Siguro, mas magandang kausapin mo muna ng personal si Jazzmine. Hindi ko siya kilala at aaminin ko, ang laki ng galit ko sa kanya dahil sa mga idinulot niyang pasakit sa 'yo. Gusto ko na nga siyang sugurin, kaso naiisip ko kasi, naging kaibigan mo siya at wala rin ako sa posisyon para makialam," humarap pa siya. "Maiintindihan ko kung magagalit ka sa kanya o saktan mo siya pero sana, anuman ang gagawin mo, pag-isipan mo nang mabuti,"
Ngumiti ulit ako. Tama lang talaga na sa kanya ko ikuwento ang lahat. Ang totoo niyan, gumaan ang loob ko nung sinabi ko sa kanya yung tungkol kay Jazzmine, kay Tito Salvador at kay Mom, parang nabawasan lahat ng sakit, kasi alam kong nandyan siya, handang makinig, umalalay, tumulong.
"Hindi ko pa nakakausap si tita, siguro, tama ka. Mas magandang harapin ko si Jazzmine. Para na rin linawin yung mga bagay-bagay at para na rin matapos na ang lahat tungkol sa aming dalawa. Ayoko na rin kasing idamay pa si Vonne, wala rin naman siyang kinalaman."
Napansin ko na nag-iba ang ekspresyon ng mukha niya. "Concerned ka rin sa kanya," it sounded like accusation.
"Naging kaibigan ko rin naman siya kahit na ang laking ungas ng lalaking yun, he didn't treat me bad, well..before..."
BINABASA MO ANG
Queen Of Damn
General FictionMisunderstood, mistreated and always in trouble, Reina is no ordinary girl from the bunch of foolish and rebellious kids trying to find her true self and the right place for her existence. She kept her armor of arrogance and belligerence knowing tha...