CHAPTER 37 (Fight for Love)

94 4 2
                                    

*Reina*

Nagising akong wala na sa tabi ko si Miles. Wala pang alas singko nung silipin ko ang relo ko. Kahit hindi ko ugali, bumangon ako, pipikit-pikit pa ako nung hanapin ko ang satin slippers ko na napasiksik sa ilalim ng kama.

Parang dito na talaga ako nakatira kasi halos lahat ng gamit ko, nandito na. Humakbang ako papunta sa banyo niya sa kwarto, hindi pa naman siya mukhang nanggaling dito pero basa yung washstand. Kaya naghilamos at nag-toothbrush na lang din ako, pagkatapos ay lumabas at hinanap ko na siya sa baba. Nabungaran ko ang likod niya sa kusina. May kausap sa telepono.

"Sige kuya, pag-uwi mo na lang." binaba na niya at humarap na sa akin, nagulat pa nung makita ako.

"Kanina ka pa dyan?"

Umiling ako at lumapit. "Sino yun, si Kuya Vincent?"

Tumango siya at ibinaba yung phone niya sa counter. "Gusto mong magluto na ako ng breakfast?"

"Ang aga pa eh," ungot ko at lumapit sa kanya.

Hinimas naman niya ang pisngi ko at i-t-in-ucked ang loose strand ng buhok ko. "Anong gusto mong breakfast?"

Nag-pout ako at humakbang palapit lalo sa kanya at yumakap na. "Tulog pa tayo, inaantok pa 'ko eh,"

"Alanganin na, sige, dun ka muna sa salas, magluluto lang ako." hinalikan pa niya ang ulo ko.

Sumiksik lang ako lalo. Narinig ko yung mahinang halakhak niya. "Bebe ko, tama nang lambing, papasok na tayo."

Inihatid na lang niya tuloy ako sa sofa at pinaupo. Nakasalikop na ang mga braso ko sa dibdib at nakasimangot pa rin.

"Wag ka nang sumimangot, ang aga-aga eh. Dalhan kita ng coffee."

Hindi ako umimik. Ewan ko ba, nagiging clingy ako sa kanya nowadays, kasalanan kasi niya eh, sinanay niya ako sa comfortable warmth niya.

"Ngiti na, papanget ka niyan,"

Huminga lang ako nang malalim at hindi na siya pinansin.

"Ang sungit," ngumiti na lang siya at naglakad na pabalik sa kusina.

Nung wala na siya, humilata lang ako sa sofa. I'm really not a morning person, maagang gising ko, alas siyete o alas otso.

Madalas kasi akong gising sa gabi at mas active ako nang ganung oras. Ang hirap tuloy mag-shift ng cycle.

Mayamaya, bumalik siya at ibinaba ang hawak na mug sa coffee table. Di ko pinansin, kunwari nakapikit ako.

Nung wala na siya, saka ko sinilip yung tinimpla niya at napansin yung sticky note. Umayos ako ng upo, kinuha ko at binasa.

"Wish ko, sana maging maganda ang araw mo, kasi makita lang kitang nakangiti, buo na ang araw ko." napangiti na lang ako at sinilip siya dun sa kusina.

Nakatalikod lang siya at may hinuhugasan sa sink.

Napakagat na lang ako ng labi. Tapos sinimsim na ang flat white coffee na tinimpla niya. Ang sweet niya talaga.

Sumisilip-silip siya paminsan-minsan habang busy sa paggigisa, sinangag na naman ang niluluto niya malamang tapos ngingiti kapag nahuhuli akong nakatingin.

Nung naubos ko na yung kape ko, sumimple akong sumilip sa niluluto niya habang nilalagay ang mug sa kitchen sink. Amoy bacon at nakita ko na rin yung sunny side egg dun sa mesa.

Tapos napansin ko yung maliit na kaserola sa gilid ng kitchen counter, sinilip ko, napaso pa ako kasi maiinit pala yung takip.

"Oh, dahan-dahan ka," puna niya habang nagpi-flip ng bacon.

Queen Of DamnTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon