*Reina*
The days passed so fast like a wind.
I couldn't help but recall the weekends I spent with him and his family. Then a wide smile cracked on my face.
I didn't expect that I would have so much fun, spending Christmas and New Year with them. Especially Christmas.
Naalala ko na naman yung mga nangyari nung araw na yun, namigay kami ng sweets at pera sa mga batang dumalaw sa bahay nila. Tapos nagpa-games pa kami. Binuksan nila yung mga binili kong regalo. Tuwang tuwa sila lalo na ang lola ni Miles. Niregaluhan ko kasi ng portable body massager. She was actually bragging about it to anyone who goes to their house.
Sa Tita niya, apron at kitchen utensils ang iniregalo ko, tapos sa mga barako, kay Kuya Boks, hydro flask na kulay grey, kay Kuya Jiggy, portable speaker, dahil di ko pa kilala si Atom, yung study lamp na lang ang ibinigay ko. Para sana kay Jecka yun eh. Ngumiti naman ito sa akin. Kay Ate Opel, jewelry box.
At kay Miles naman, isang Sony ZV1 digicam since mahilig siyang kumuha ng litrato. Ang daming natuwa, lalo na sina Tita Becky.
May natanggap din naman akong regalo mula sa kanila, mug, t-shirt, tumbler, mirror lamp, huggable pillow at make-up.
At ang pinakamaganda sa lahat, yung regalo niya. Isang bracelet. Hindi naman mamahalin pero ang cute lang ng charms na nakalagay.
Minamasdan ko ito at di ko maiwasang kiligin. Ewan ko ba kung saan nanggaling. Ang sarap lang sa feeling.
May naipon na pala akong isang box ng mga ibinigay niyang gamit sa akin. Mga abubot na hindi ko naman kailangan pero feel ko lang kolektahin. Buhay pa rin yung stuffed penguin na napanalunan niya sa shooting game. Nakalimutan ko na kung kailan pa 'to nasa akin. Ang cute kasi kulay rose pink tapos grey yung beak at claws.
Tapos mga trinkets. Kapag lumalabas kaming magkasama, parati siyang may ibinibigay. Yung snow globe, nakapuwesto sa nightstand katabi yung rosegold desk lamp na bigay ni Gianna. Kapares ng rosegold pail na lagayan ng mga make-up brushes na galing naman kay Jecka.
I didn't notice, just now, nagiging girly na yung room ko. May nakasabit kasi na copper series string lights sa wall ng headboard ko, tapos mga wall decor na may flower painting.
Nilagyan din ni Gianna ng thin silk fabric yun magkabilang side ng headboard kaya nagmukhang bintana.
Di na rin masama, hindi na boring tingnan di gaya nung una.
Biglang nag-blipped yung phone ko kaya sinilip ko. Isang notification mula sa FB.
Photo na naka-tag sa account ko. Napangiti na lang ako.
Nakakatakot yung pose ko pero ginawan niya ng paraan.
Ang cute ng caption phrase sa gilid ng photo.
"I've never met a strong person with an easy past."
BINABASA MO ANG
Queen Of Damn
General FictionMisunderstood, mistreated and always in trouble, Reina is no ordinary girl from the bunch of foolish and rebellious kids trying to find her true self and the right place for her existence. She kept her armor of arrogance and belligerence knowing tha...