CHAPTER 48 (The Agony)

129 4 0
                                        

*Jett*

Naging matiwasay ang naging operasyon at hindi lang yun, nakakuha pa kami ng ilang impormasyon tungkol sa ginagawang pag-aaklas ni Buitre, lalong tumibay ang patung patong na kaso niya laban sa Organisasyon kaya posibleng maharap ulit siya sa paghuhusga.

Kating kati na ang kamay ko na lagutan ng hininga ang kup*l na lalaking iyon, malaki na kasi ang naging pinsala at mga atraso niya sa akin.

Binati kong muli ang mga tauhan ko mula sa smallest division hanggang sa higher rank para sa naging matagumpay na pagsugpo namin sa talamak na katiwalian ni Cuattro sa grupo.

Matapos ang gabing iyon, tinipon ko silang lahat para bigyan ng maagang bonus dahil sa naging maagap na kilos at maayos na pagsunod nila sa protocol. Walang nalabag at lahat naayon sa utos.

Kasalukuyan akong umiinom ng alak habang nasa veranda ng isang hideout namin sa labas ng Kamaynilaan, apat na oras na biyahe mula sa SLEX at ilang toll gates, maraming resort ang nakapalibot sa paligid. Maaliwalas, tahimik at walang mga asungot. Doon ko piniling ipagdiwang ang maliit na tagumpay namin.

Nakatanaw ako sa malayo nung naramdaman kong may humahakbang palapit sa akin, hindi ko na kailangang lingunin, amoy pa lang niya, kilalang kilala ko na.

"Bakit mag-isa ka dyan?" usisa ni Sonja at sumandal sa railing malapit sa braso ko.

Nakipag-toast pa sa akin.

Hindi ako umimik habang sumisimsim ng alak.

"Bakit ang tahimik?"

"Ano bang gusto mo, ha?"

"Ang sungit ah,"

Bumuntong hininga na lang ako.

"Babae ba yan?"

Pinukol ko siya ng tingin kaya medyo nangilag sa akin.

"Hay naku, Jethro, ang panget mo nang ka-bonding." saka siya naglakad palayo.

Lumalagatok pa ang heels niya sa sahig na yari sa mamahaling marmol.

Matapos ang maiksing salu-salo, pinayagan ko ang ilan sa mga tauhan ko na mag-inom, alam ko namang iyon na lang din ang konsulasyon nila mula sa mapanganib at magulong buhay-gangster.

Nanatili naman sa pagbabantay ang ilan sa mga tapat kong tauhan, ang dalawang ravens ko, hindi piniling makisaya sa sub-unit nila.

May ilang natamong sugat si Jake, mga kaunting bangas at saksak sa tagiliran. Habang si Rex, wala man lang naging kagalos-galos.

Magkaiba talaga sila ng estilo at mga kakayahan, kung dun ko pagbabasehan, mas higit na nakalalamang si Rex sa combat at survival area, habang si Jake, mas spokesperson at magaling mamalakaya ng mga tao.

Pero para sa akin, pareho silang magaling sa kanya-kanyang paraan.

Nabasag ang katahimikan ko nung may nararamdaman akong dumating. Tinanaw ko ang kinaroroonan nito. Hindi ako nagkamali.

Nasa lilim ito ng isang puno malapit sa bakuran sa bandang kaliwang bahagi ng bahay.

Tinanggal nito ang suot na fedora at ipinakita ang mukha, mula sa itim na itim na kulot at mahabang buhok, mga hikaw sa mukha lalo na ang tatuang mga mata, hindi ako magkakamali, si Pain iyon. Tumango naman ako bilang sagot. Saka ito biglang nawala sa kinatatayuan nito.

Huminga ako nang malalim bago ko pinalawak ang range ng sensory ko.

Nararamdaman ko ring nasa malapit lang din si Damien.

Lalo akong kinakabahan, may kakaiba akong nararamdam, may mangyayari. At hindi ko 'to nagugustuhan.

Ang tanging naiwan ko sa Maynila ay ang tupakin kong marksman.

Queen Of DamnTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon