(Paging Doctor Evangeline Reyes, the HR Dept needs your presence. Paging Doctor Evangeline....)People were bustling, walking and passing in front of me as I sat uncomfortably in a wheelchair with a neck brace, some stitches on my right side forehead, the brow bone and tiny scratches on my cheek, I also had to wear an arm sling preventing my left arm from moving, just by now, I'm smarting some severe muscle pain on my left arm due to the impact of the car crash. Nalasog yung kaliwang braso ko at ang laki ng pasa.
Hay, ano pa ba? Some minor fractures in my wristbone and elbow joint cramp. What can get even worse?
Well, grounded for three months dahil sa nangyari.
Nope, I'm not done yet.
Kinuha lang naman ni Tita Theresa ang lisensya ko, pina-impound ang kotse ko na malamang sa malamang, bangas-bangas din. Hindi lang yun, sangkatutak na sermon mula nang ma-confined ako ng isang linggo hanggang ngayon na pauwi na. At kahit ngayon nga, ang sama ng tingin niya sa 'kin habang naghihintay kami sa waiting area ng inpatient lounge para sa discharge paper ko mula sa doctor na tumutok sa 'kin.
What can get any worse?
For sure may panibago na naman akong kailangan harapin na pagsubok. Daig pa niya si Big Brother o isang Mafia Boss sa pagdidikta ng mga dapat o di dapat kong gawin. Ano bang pake niya? Lawyer ko lang naman siya.
"Mrs Montecarlo," mahinang bigkas ng babaeng nurse na lumapit sa amin at may inabot na papel na hinugot nito mula sa clipboard. "Pa-sign na lang po, ako na po ang magdadala sa billing counter."
Ngumiti pa ito nung napatingin banda sa 'kin. Inirapan ko lang naman.
"Ingat ka na sa susunod," narinig ko pang sabi nito.
Whatever.
"Thanks, Sam." matapos pirmahan ni Tita ang papel ay agad niyang ibinalik sa nurse.
"Wala yun, Tita." usal nito saka tumalikod.
"Sam, nakita mo ba si Rossanne? She's not answering her phone eh, kanina ko pa tinatawagan."
"Ah, Tita baka nasa RD pa dahil sa presentation, or baka kasama ng chief resident na nagra-rounds, 'pag nakita ko po, text ko po kayo." Nakangiti pa rin ito at bumaling na naman sa 'kin.
Dedma lang ako.
Sa totoo lang, mabait naman talaga itong si Ate Samantha, hindi ko lang talaga feel makipag-usap sa mga oras na iyon.
"Pagaling ka ha, Reina."
Dumiretso na ito sa pupuntahan habang si Tita, umupo sa sofa chair malapit sa 'kin.
Alam kong nakatingin siya kaya hindi ko sinalubong. Iniwas ko at ibinaling sa gilid ko kung saan nakapuwesto ang nurse station na malapit sa room ko. Narinig ko ang malalim na buntong hininga niya. Alam ko na ang kasunod nun. Another sermon.
"Tumawag ang principal ng AOSAT sa 'kin kagabi, he's asking me to his office—again. Care to tell me? What is it this time?"
Putek, oo nga pala. Nawala na sa isip ko yun ah.
Malamang dahil sa pagsapak ko kay Sir Ledesma. Ledesma na manyak.
"Reina, dear. Listen,"
"Not now, Attorney."
Matabang ang tonong ginamit ko, bunsod ng inis at nakakasawa nang paliwanagan.
Nakakapagod na rin kasi ang magpaliwanag.
Di naman sila nakikinig.
Wala namang may pake.
Walang gustong makinig.
BINABASA MO ANG
Queen Of Damn
General FictionMisunderstood, mistreated and always in trouble, Reina is no ordinary girl from the bunch of foolish and rebellious kids trying to find her true self and the right place for her existence. She kept her armor of arrogance and belligerence knowing tha...