CHAPTER 2 (Encounter)

144 7 1
                                    


*Miles*

(Beeeep beeep beeeep beeeep beeeep)

Umugong na nang malakas ang digital alarm sa nightstand ko kaya agad kong pinatay. Pupungas-pungas at humikab muna nang pagkalaki-laki bago ko naisipang bumangon sa kama.

Nag-chill muna ako ng ilang segundo bago ko binuhat ang sariling mga paa papunta sa banyo. Naghilamos at nagsipilyo tapos tumambay muna saglit sa harap ng salamin.

Sinuklay ko yung kilay ko at hinimas-himas ang sariling baba. "Ang gwapo mo talaga Miles,"

Pampalakas ng loob. Yung lang kasi ang meron ako. Sino pa ba ang magsasabi nun kundi ako, wala na kasi si Mama para bulahin ako.

Madali kong niligpit ang hinigaan ko at tumungo na sa baba. Dumiretso ako sa kusina. On my way, nasilip ko yung kwarto ni Kuya Vincent. Nakasara at mukhang naghihilik pa.

Nakatulugan ko na yung paghihintay sa kanya. Di ko na namalayan, siguro madaling araw na naman umuwi yun.

Nagkibit-balikat na lang ako. Sayang lang yung cake na binili ko. Makapagluto na nga, male-late na ako kung magsasayang pa ako ng oras.

Mabilis kong inihanda ang mga sangkap na gagamitin ko sa pagluluto ng almusal. Ano pa nga ba kundi ang walang kamatayang fried rice. Buti marami kaming bahaw kaya di na ako magsasaing. Mukhang di na naman kumain si kuya. Inisnab na naman yung niluto kong afritada.

Kaya kinuha ko yung pinaglagyan na Tupperware, siyempre inamoy ko muna. Kagabi lang naman eh, pwede pa 'to.

Isinalin ko sa ibang lagayan at isinalang sa microwave bago ako nagpitpit ng bawang, naghiwa ng ham, hotdog sa maliliit na piraso at kumuha ng dalawang itlog mula sa tray. Naghanap pa ako ng pwedeng ipares sa lulutuin ko. Napansin ko yung tinapa sa chiller tapos inamoy.

Ganun kasi talaga ako eh. Kaya bago ako nagsangag, nagprito muna ako ng tinapa. Habang nagpiprito, isinalang ko na yung kawali, habang uminit yung pan na may mantika, kinuha ko yung casserole ng rice cooker at kinayod yung kanin para mabilis ibusa.

Pag-flipped ng tinapa, inilagay ko na ang hotdog at ham sa pan, pinirito ko muna saka ko nilagay yung bawang. Gisa gisa nang kaunti tapos nilagay ko na yung kanin. Tinimplahan ng malupet na sangkap, seasoning na de bote at butil butil na asin, tapos hinango ko na yung tinapa.

Habang nakasalang ang siningag, naghiwa ako ng kamatis, tapos nilagyan ng toyo. Ayus. Tapos kinuha ko na yung ininit na ulam kagabi sa microwave.

Matapos ko na isangag yung kanin at tinusta nang kaunti, saka ako nagbate ng itlog at bago ko hanguin, ibinuhos ko yun sa ibabaw. Niluto pa ng ilang minuto bago ko pinatay yung kalan.

Tada! Sinangag Ala Chef Miles Morales.

Biro lang, lutong patsam-patsam lang naman yun.

Pagkatapos naglagay naman ako ng tubig sa carafe, nagbuhos ng tanstang ground brewed coffee at pinindot na yung on, habang hinihintay kong kumalat yung amoy ng kape, nilinisan ko na muna yung kitchen island tapos hinugasan agad yung nagamit na kasangkapan.

Ayaw kasi ni Kuya Vincent ng makalat.

Habang naglalagay na ako ng place mat at coaster sa kitchen table, bumukas yung pinto ng kwarto ni kuya. As usual, nakabusangot na naman. Hay, gwapo sana si kuya kaso laging naka-grim at minsan poker face 'kala mo pasan niya ang mundo.

Queen Of DamnTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon