*Reina*
Dahan-dahan lang ang hakbang ko habang binubuntutan ang lalaking alien.
Di ako makapaniwalang kapatid ni Miles ang lalaking 'to.
Nakatitig lang ako sa likod niya. Malapad din ang balikat niya, parang si Miles pero di hamak na mas mataas at mas muscular ang lalaking ito.
Maiksi lang din ang gupit ng buhok, side-parted, clean-cut, gaya ng gupit ng buhok ni Miles kaso fringe-y, na shaggy Korean bowl cut ang style na may pagka-layered. Pansin ko, yun ang usong gupit sa school. Pantay ang hati, mas fluffy at mas maiitim ang buhok ni Miles kumpara sa kanya, may pagka-dark brown. Pareho silang may pagkakulot ang buhok at manly ang dating.
Pero kung ihahambing naman ang ugali, mas gusto ko naman yung kay Miles, marunong makisama, approachable at mabait.
Siya, nuknukan ng sungit, matalim tumingin at napaka-judgmental.
Bahagyang bumaling ang ulo niya pakaliwa, para i-checked lang siguro kung sumusunod ako.
"Malayo pa ba?"
Di siya sumagot. Mapapanis ang laway ko sa isang 'to.
Ilang minuto na kaming naglalakad. At sa di malamang dahilan, di ko maipaliwanag kung bakit ba sumusunod ako sa kanya.
Siguro dahil gusto kong patunayan na hindi ako bad influence sa kapatid niya. Na mabuti ang intensyon.
Wow! Parang ako yung manliligaw.
Napatigil ako at nag-isip, tatalikod na sana ako at lalakad pabalik sa condo ko nang biglang nagsalita siya.
"Dun tayo, nakakita na akong isa,"
Nilingon ko siya at saglit na pinaningkitan ng mga mata. "Ano kayang trip ng lalaking 'to?"
May kung ano dun sa boses niya na parang batas. May awtoridad. Para siyang pulis na wala kang palag.
Nakakalayo na siya ng ilang hakbang nang bumuntong hininga ako at piniling sundan siya.
Namataan ko kaagad yung tinutumbok niyang puntahan. "Mamihan?"
Na-curious ako kaya napatawid ako mula sa kabilang kalye at pilit na lumapit sa likuran niya. Di man lang siya nanghintay, um-order at naupo na agad.
Kung ako may kuya na ganito, siguro matagal ko nang nilason.
Nakasimangot akong umupo sa gilid, sa tabi niya.
"Anong gusto mo?"
"Ano bang pagpipilian?"
"Mami, lomi o goto?"
"Mami na lang,"
"Dalawahin mo na ale."
Tapos nun, tahimik na. Hindi ko matatagalan ang isang 'to. Kung kay Ash at Devlin nga, naaalibadbaran ako, sa taong 'to pa na di hamak na mas suplado sa dalawa.
At least yung dalawa, nakakausap pa nang matino, ito mukhang may sariling mundo. Mali, si Asher pala mas kumakausap ng hayop.
"Paano mo naging kaibigan ang kapatid ko?"
"Interrogation portion pala tayo?"
"Tinatanong ka nang matino, sumagot ka nang maayos."
Suplado!
Pinaikot ko muna ang mga mata ko bago sumagot. "Sa school malamang. Schoolmate nga kami, di ba?"
"Yung mga klase ng estudyanteng gaya mo, hindi nakikipagkaibigan sa mga gaya niyang pobre,"
BINABASA MO ANG
Queen Of Damn
Ficción GeneralMisunderstood, mistreated and always in trouble, Reina is no ordinary girl from the bunch of foolish and rebellious kids trying to find her true self and the right place for her existence. She kept her armor of arrogance and belligerence knowing tha...