CHAPTER 47 (The Bounty)

114 4 6
                                    

*Vincent*

A big disappointment and another failed attempt to get him into our hook.

Damn, he did it again.

Sighing, I placed my palm to my nape and gently uncoiled the knotting tension forming from my neck down to my lower back.

Then I went on digging info again from the internet, scrolling some pages and old articles involving our assignment, our biggest perp.

That ate my two more good hours before someone knocked on my office door. "Vince, break muna," and poked her head through the door slightly ajar.

Kahit ayaw ko pa, napilitan akong tumayo at kusang naglakad papuntang pinto, bitbit ang jacket ko.

Napatingin sa akin si Belle. "You don't look good, kailangan ka pa ba naligo? You look like you needed one,"

Due to tremendous pressure and sleepless night, I skipped showers and bummed my three days in the office.

"Do I smell bad?"

Umiling siya at pilyang ngumiti. "Hindi naman nabawasan ang kapogian mo, pero hinay-hinay lang. Mukha ka pang walang matinong tulog, baka isang araw bumagsak ka na lang." paalala niya habang nauna nang naglakad patungo sa cafeteria.

We ordered a quick, no-brainer meal and sat in the corner. She kept toying the straw of her coffee latte while I scrolled down to the messages on my phone. Miles is getting anxious again, trying to hear some good news or just bugging me about his girlfriend. Sighing out loud, I placed it on the table and started eating.

Another SMS came which made my phone blip. Belle craned her neck and peeped. "Sino yan?"

Hindi ko inimik at pinagpatuloy ang tahimik na pagkain ko.

Walang anu-ano, bigla niyang hinablot at sinubukang basahin. Kaso may password.

Ilang beses niyang hinulaan pero bigo siya. "Fingerprint mo,"

"Ayoko," walang kabuhay-buhay kong tugon.

"Sige na,"

"Kailan ka pa nagkainteres sa buhay ko?"

Ngumiti lang siya. "Baka kasi candidate dyowa eh, kilala kita, kapag nakikipag-usap ka, para kang tanga, di mo alam mag-open ng convo,"

"So?"

"Sige na, basahin ko lang," nagmakaawa pa.

Napatingin ako sa kisame at nagpatuloy lang sa pagsubo nang bigla niyang hinila ang kamay ko. Pilit na in-unlocked yung phone ko.

Nung bumukas na, dali-dali niyang binasa. Pero nawala yung nakakalukong ngiti niya nung makitang messages lang ni Miles.

"No ba yan, ang panget mong ka-bonding. Wala man lang ganap sa buhay mo." sabay balik ng phone ko sa tapat ng plato ko.

Hindi ko na lang sinagot yung banat niya. Minsan kasi parang bata lang talaga ang partner ko kahit na bente siyete anyos na.

Saka niya kinuha ang sariling phone at nagsimulang magtipa. Maya-maya ngingiti tapos titingin sa akin. Hindi ko na lang pinansin pero bigla akong kinunan ng litrato habang sumusubo. Tumawa pa. Nakakaloko.

"Ano na naman yan?"

"Wala, ka-text ko ang kapatid mo, nag-aalala lang sa 'yo. Pi-ni-cture-an lang kita para ipakitang okay ang lagay mo, alam mo ang swerte mo, may kapatid kang nag-aalala sa 'yo." saka niya ibinaba ang phone at nagsimula nang kumain.

Gaya kanina, di ko na naman pinansin ang side comment niya. Nung tapos na ako at umiinom na ng tubig, bigla akong binato ng lukot na tissue.

Masamang tingin ang ipinukol ko sa kanya.

Queen Of DamnTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon