*Reina*
Tahimik na ulit sa social media nung tingnan ko yung mga post ng impaktang si Eunice. Hindi ko alam kung paano nangyari, mukhang may nag-report yata. Buti nga.
Nung nakaraan pa pala naka-post ang mga yun, ngayon lang nag-viral. At ang nakakagulat, hindi sila naglagay ng kahit isang litrato ko. Well, malalaman lang naman na mali yung sinasabi nila. Saka hindi rin naman ako nag-a-upload ng photos, naka-private lahat at magmula nung umalis ako sa Montero Regis at napatalsik sa varsity, hindi na ako active sa socmed accounts ko.
Buti deactivated lahat kaya para lang silang nagsasalita sa hangin. Wala naman kasi silang pwedeng ipanglaban sa 'kin. Puro petty threats lang.
I stopped surfing the net and walked to the balcony then leaned on the railing, gazing at the blinking lights from the establishments all over the place. It was seven pm already, and the scene was no different from the other night, busy streets with bustling motorist, hurriedly getting their way home.
A few pedestrians, bystanders or just some night strollers littering on the sidewalk, taking pictures of some of the establishments or just taking a groupie while walking. Then I noticed some couples, in the other lane, walking hand and hand, eating outside the cafe or just taking a stroll. I smirked grimly.
"Maghihiwalay din kayo,"
It took a few more minutes before dropping my self-indulging and onslaught of loathing. Yeah right, have a life, Reina.
Sliding back inside, I took my dirty clothes and threw them in the hamper, but they fell on the floor because it was already full.
I sighed, I need to do the laundry.
Kahit tinatamad akong kumilos, binitbit ko yung nahulog na shirt ko at pati na rin yung hamper para dalhin sa washroom. Yung malapit sa kusina kasi dun ang main bathroom at maging laundry room ko na rin.
Kaya ko namang magpa-laundry kaso hindi ako kumbinsido sa laba ng laundry, ang nakakainis, lagi pa akong nawawalan ng underwear kapag pini-pick up ko na sa baba. Sa one-stop coin laundry ako dati naglalaba kaso kaloka yung bantay nila, kung makatitig 'kala mo mangangain ng buhay. Mga comforters at duvet na lang ang pinapa-laundry ko kasi mabigat.
Pervert, ang dami talaga nila sa mundo. Bakit kaya? Hindi naman sila nanganganak.
Hindi na rin ako kumuha pa ng house cleaner kasi nung last na nagpalinis ako, nanakawan ako ng fifty thousand pesos, tapos nawala rin yung bagong bili kong pabango. Mga namimitik, buwisit!
Inireklamo ko na sa Management para palitan yung in-house service agency kaso dahil sa nawalan na ako ng tiwala, sariling sikap na lang. Baka mamaya, pati iilang gamit ko dito sa unit ko limasin pa. Wala namang kwenta yung security, naglagay pa sila.
Nasa disgustong disposisyon pa rin ako nung marinig ko ang doorbell sa front door.
Nagtaka naman ako. Sino kaya yun? Saka wala man lang tawag mula sa front desk? I thought I made it clear not to entertain any of my guests.
Kaya banas kong tinungo ang pinto at sinilip ang camera sa front door. Lalo akong napasimangot.
Hindi ko binuksan. Akala ba niya pwede siyang pumunta-punta sa unit ko? Ano siya hilo?
Nakailang ulit pa siya ng doorbell. Hindi ko inintindi at nagpatuloy na sa paghihiwalay ng damit ko. Nasa pamumulsa na ako nang bigla kong narinig na bumukas yung front door.
Dammit!
Ginamit na naman niya yung magic card niya. Nakakabuwisit talaga ang lalaking 'to.
Kaya binitiwan ko ang hawak ko at nilakad pabalik sa salas. Naabutan ko siyang nagtitingin-tingin.
BINABASA MO ANG
Queen Of Damn
Ficción GeneralMisunderstood, mistreated and always in trouble, Reina is no ordinary girl from the bunch of foolish and rebellious kids trying to find her true self and the right place for her existence. She kept her armor of arrogance and belligerence knowing tha...