*Miles*
Halos wala pang kinse minuto, narating din namin ang condo ni Bebe ko. Wala akong pinalampas na oras, baka kasi may ginawa o may nangyari na sa kanya.
Yung kasama ko, panay pa rin ang tawag sa kanya pero wala pa ring pag-asa, hindi pa rin siya sumasagot.
Habang umaakyat ang elevator, pakabog nang pakabog ang dibdib ko. Hindi ko maialis sa sarili ang mag-isip ng hindi maganda. Baka ginawa na naman niya yun,
Papa God, bantayan mo si Bebe ko para sa akin. 'Wag mong hayaang mapahamak siya.
Nung narating na namin, sabay kaming dalawang tumakbo patungo sa unit niya. Napatingin pa kami sa isa't isa bago ako nag-doorbell, walang sumasagot. Kaya napilitan na akong buksan, sana di niya binago yung passcode.
Bumukas, nagulat pa yung kasama ko kung bakit alam ko yung code, sasagutin ko pa sana kaso tumambad ang magulong gamit sa bungad kaya napatakbo na ako at agad hinagilap si Bebe ko.
Aligaga na rin ako saka ko siya nakitang nakaupo sa sulok, nakayuko na napapaligiran ng mga kalat sa paligid.
Agad akong humakbang palapit at ininspeksyon agad kung may mga sugat siya sa katawan, awa ng Diyos, wala naman akong nakitang dugo o kung anuman. Saka niya inangat ang tingin niya. Parang walang nakikita, blangko ang mga mata. Lumuhod ako at hinawakan siya sa balikat.
"Okay ka lang?"
Tumitig siya nang matagal bago siya tumango. Huminga ako nang malalim saka ko siya niyakap. Napausal ako ng dasal na pasasalamat at napapikit.
Naramdaman ko ang paghigpit ng yakap niya. Umiiyak siya, dahil sa mahinang paghikbi niya sa dibdib ko. Hinimas ko ang likod niya habang ikinukulong ko siya sa yakap ko. Lumapit na rin si Gianna at isa-isang inalis yung mga kalat. May mga basag na vase, ilang dekorasyon sa mesa at nakataob yung coffee table. Kalat-kalat ang mga throw pillows ng sofa at nakalihis yung mismong sofa mula sa maayos nitong puwesto.
Mukhang nagwala na naman siya.
Nung tumahan na siya, pinainom muna namin siya ng tubig at pinaupo sa sofa.
Tahimik lang kami at walang gustong gumawa ng ingay.
"The videos gone viral, I called Jecka, ang sabi niya, gagawan daw niya ng paraan para—"
"There's no use, sirang sira na rin naman ako, hayaan n'yo na lang."
"Pero Rei,"
"Thanks for your concern, Gi. But I think I'll have to accept, I can't runaway from them."
"Pero wala ka namang kasalanan, silang mga nagkakalat ang dapat—"
Inawat ko na. Wala siya sa mood para dito. Tumingin nang matagal si Gianna bago bumuntong hininga. "Okay, if that's what you want," lumapit ito at ginagap ang kamay niya. "Nandito lang kami, masasandalan mo pa rin kami, hindi ka nag-iisa, Rei."
Wala pa rin siyang imik, nakatingin lang sa malayo.
"I just came to check, looks like you're all good, well seems all good, I'll go ahead."
Parang nagbilin pa siya sa akin sa pamamagitan ng tingin bago tinungo ang front door.
Pinili ko namang maupo sa tabi niya. Tahimik pa rin siya at parang may sariling mundo. Parang hindi niya ako nakikita. Kaya naman gumawa ako ng paraan para gumaan ang pakiramdam niya, inalok ko ng pagkain, umiling lang siya.
Tinanong ko kung gusto niyang maglakad-lakad sa labas, ayaw din niya. Nirespeto ko na lang pero hindi pa rin ako sumuko. Kinuha ko ang mga kamay niya at humugot ng malalim na hininga.
BINABASA MO ANG
Queen Of Damn
General FictionMisunderstood, mistreated and always in trouble, Reina is no ordinary girl from the bunch of foolish and rebellious kids trying to find her true self and the right place for her existence. She kept her armor of arrogance and belligerence knowing tha...