CHAPTER 51 (The Raid)

56 4 0
                                    

*Miles*

Isa 'tong malaking kalokohan.

Alam ng isip ko na mali pero gusto ng puso kong hanapin siya. Sa bawat minuto at oras na tumatakbo, nalalagay sa panganib ang girlfriend ko.

Napahinto ako sa paglalakad at saglit na nag-isip, pero saan ba 'ko magsisimula?

Naibuga ko na lang tuloy ang hangin at bumulalas. "Nasa'n ka na Babe? Saan kita hahanapin?"

Tumingin rin ako sa langit, nananalangin na bigyan ako ng kasagutan sa mga katanungan ko.

Wala anu-ano ay napasandal ako sa pader na malapit at pilit pinipigilan ang damdaming gusto nang kumawala.

Kasalanan ko 'to, kung hindi ko siya itinakas, kung hindi ko siya inilabas, kung hindi ko siya hinayaang makuha ng lalaking iyon...

Baka nasa tabi ko pa siya ngayon.

Sa sobrang kalituhan ko, naihampas ko ang kamao ko sa pader, makailang ulit at nilukos ang mga mata ko dahil sa luha na kusa nang bumagsak.

"Reina, maging okay ka lang, please, Papa God, 'wag mo siyang pabayaan,"

Nanatili ako dun hanggang sa mailabas ko ang nasa loob ko. Nagsisisi ako na nangyari ito dahil sa akin.

Wala na akong mukhang ihaharap sa tita niya at maging kay Kuya Vincent.

Nabigo akong protektahan siya.

Agad kong pinahid ang mga natirang luha at inayos ang sarili. Hindi ako dapat panghinaan ng loob, kailangan kong maging matatag. Posibleng nasa malapit lang siya.

Pilit kong pinatatapang ang sarili ko at inisip ang mga huling sandali na kasama ko si Babe.

May gusto siyang ipagawa sa akin bago niya naisip na lumabas, sa condo niya, may gusto siyang ipakuha.

Ano nga ba ulit yun?

Pero hindi naman makakatulong yun sa paghahanap ko.

Nagtalo ang utak ko at kutob ko, sa huli, dahil wala naman akong lugar na maisip, nagdesisyon ako na puntahan na lang.

May bumabagabag sa kanya sa huling mga usapan namin. Baka sakaling makahanap ako ng clue para ma-contact ang taong nabanggit niya.

Kung dala ko lang sana ang phone ko, madali lang, kaso baka ma-traced ako ni Kuya. Pipigilan ako nun, panigurado.

Determinado akong alamin ang tungkol sa taong yun, baka sakaling matulungan ako nitong hanapin si Babe.

******

Narating ko agad ang condo ni Babe at mabilis na tinungo ang unit niya. Wala namang masyadong nagbago maliban sa mga gamit na medyo maalikabok na. Ilang buwan din kasing hindi nalinisan.

Nagsimula akong sariwain ang mga oras na nandito pa si Babe, dun sa counter, kung saan ko siya sinamahan na itumba yung isang bote ng Hennessy XO, buti na lang hindi ako masyadong nalasing.

Parang may sariling isip ang mga paa ko at kusang lumakad patungo sa bar counter. Naalala ko rin nung nag-alok siya ng kape kinaumagahan nung sinundo ko siyang lasing na lasing, galing bar.

May sumilay na mapaklang ngiti sa labi ko. Grabe, ang wild din talaga ng girlfriend ko. Pero kahit ganun siya, kahit mas malakas siyang uminom kaysa sa 'kin, mahal ko siya.

Hinimas ko ang top at pumikit. Nalungkot tuloy ako kasi puro masasakit na alaala ang palaging sumasagi sa isip ko kapag nandito ako.
Dito ko rin kasi nalaman ang lahat, tungkol sa problema niya sa pamilya, sa school, kaibigan at maging sa bigong pag-ibig niya.

Queen Of DamnTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon