*Reina*
Hindi pa rin ako mapakali sa sinabi ni tita. Katatawag niya lang kasi at ngayon pa lang, parang gusto ko nang umalis at pumunta sa bahay para sunduin si Yumi.
Nagkaroon na kasi ng first hearing ang petition namin. At kung maaprubahan, maaari ko na siyang mapuntahan o di kaya, pwede siyang mag-stay sa akin ng mga ilang araw o buwan.
Parang gusto ko nang hilahin ang araw. Gustong gusto ko nang makita ang kapatid ko.
"Just wait for ate, Yumi. Magkakasama na rin tayo." I whispered as I held her photograph.
Biglang tumunog ulit and phone ko. Agad kong sinagot. "Yes, tita? Is there something else?"
"I forgot to inform you about that complainant's charging accusation against you, I got him checked. Nagtatrabaho pala ang dad niya sa isa sa under nating company. Sa Rincon Real Estate, do you want to do something? Pwede kong ipatanggal ang lalaking iyon. I saw the CCTV. If you want, I can get them all in jail, just give me your call."
"Wag na Tita. Sobra na yun, ma-abolish lang yung complaint, okay na 'ko. Besides, wala namang kinalaman sa kasalanan ng anak yung tatay. Let him face his own punishment, sapat nang ma-clear yung kaibigan ko. Ayokong palakihin pa yung gulo."
Bigla siyang natahimik. Akala ko, ibinaba na niya. "Alright, that's new. Well, I already sent the copy of the footage to your school headmaster, di pa siya tumatawag pero baka nag-email na iyon ng letter laban sa nagreklamo. Mukhang nakabuti nga sa 'yo ang paglipat sa SLJA."
Napangiti naman ako. Napansin ko rin yun.
"Well, I guess I just need to work in double. Ikamusta mo ako sa friend mo, Benedict right? That boy is a good kid, he gave you some good heads."
Natawa ako nung maalala si Benny. "Yeah, he's like a brother I never had."
Bigla na namang nanahimik si tita bago tumikhim. "Look, I gotta go. Need to get rest and you should too, may check up ka pa bukas. Tulog ka na,"
"Yes, tita. Good night."
Ibinaba na niya. Di talaga uso kay Tita Theresa ang salitang goodbye.
She was just like me. Actually, if my dad didn't tell me she's just our family lawyer, I would think she's my real aunt. Pareho kasi kami ng ugali eh.
Hindi na ako nagpuyat. Maaga akong nag-half bath at humiga na sa kama. I will have a long day tomorrow so I need to rest to get up early.
******
Maaga akong nag-prepare at planong tapusin ang mga lakarin ko bago maghapon. May check up kasi ako sa orthopedist na family doctor ko since 12 years old pa lang ako, siyempre, sa hospital namin sa Taguig. Nakahanda na ako nang bigla kong maalala si Spidey."Shit! I forgot to text him!" Kaya agad kong kinuha ang phone ko. "Shoot! Dapat pala c-in-ancel ko na lang," habang hinahap ko siya sa phone book.
Id-ini-al ko at hinintay mag-ring. "Come on,"
"Hello! Buti tumawag ka, paalis na rin ako sa amin."
Nakakahiya tuloy, isama ko na lang kaya siya?
"Sorry, nakalimutan ko, I have an important appointment this morning. Hindi agad kita na-text or natawagan, next time na lang, ha,"
Hindi siya sumagot. Siguro nagalit na sa akin. "Kung gusto mo, bukas na lang ulit, if you're still free,"
"Hindi ako pwede bukas eh, Sunday kasi, magsisimba ako, sasamahan ko ang lola ko."
"Ganun ba, sige. Next time na lang talaga. Pasensya na sa abala."
"Hindi okay lang, ano ka ba? Wala yun, tsaka baka puntahan ko na lang din yung pinsan ko, may iuutos pala sa akin, kaya din ako lalabas."
BINABASA MO ANG
Queen Of Damn
Fiksi UmumMisunderstood, mistreated and always in trouble, Reina is no ordinary girl from the bunch of foolish and rebellious kids trying to find her true self and the right place for her existence. She kept her armor of arrogance and belligerence knowing tha...