*Miles*
Ang tahimik na niya.
Ang awkward kasi kanina, biniro ba naman kami ng tita niya, yan tuloy, nailang. Okay na nga eh, komportable na nga siya sa akin, tapos bigla namang pinuna, naudlot tuloy.
Sayang close na nga kami eh.
Tumikhim ako para mabasag na yung nakakabinging katahimikan sa pagitan namin. Wa epek pa rin kaya huminga ako nang malalim at hinarap siya na hawak pa ang kamay niya.
"Pasensya ka na kanina, ano kasi... Nasabi ko lang naman yun kasi... Maganda ka naman talaga eh, tsaka mabait pa. Kaya hindi ko maiwasang humanga sa 'yo,"
Shete! Namumula na yung mukha ko, tang in* naman kasi, bakit ba ako ganito sa kanya? Sa ibang babae naman hindi ako ganito, natataranta.
Tinapunan niya ng tingin yung kamay ko sa kamay niya saka ko mabilis na binitawan. Ayaw niya nga pala nang hinahawakan siya ng walang pahintulot.
Nakaka-dalawang strike ka na sa kanya, Miles, bi-bingo ka na talaga.
"Honestly, Spidey, nabigla ako sa sinabi mo, at medyo nailang pero," hinarap niya ang titig ko. "Hindi ka naman masamang tao, kung tutuusin, parati mo nga akong sinasalo sa tuwing kailangan ko ng kaibigan... Pero sa tingin ko, mas mabuting hanggang dun lang muna tayo, alam mo namang hindi pa ako nakaka-move on sa... Kay Seve."
Napapikit na lang ako. Alam ko naman yun ang sasabihin niya kaso hindi ko maiwasang masaktan. Basted agad, di ko pa nga siya nililigawan.
"Naiintindihan ko naman, gets ko naman yun. Pero sana, 'wag mo 'kong iiwasan,"
Kahit yun lang muna, saka na ako hihiling ng mas malalim pa na pagtingin mula sa kanya. Basta 'wag lang siyang lumayo sa akin.
"Subukan ko, kung hindi ka magbabago,"
"Steady lang naman ako, ikaw? Baka magbago ka after nito,"
Ngumiti na lang siya. "Hindi, basta 'wag kang bibitaw agad,"
Napangiti ako. Baka naman... May pag-asa ako sa kanya.
Sige lang, kakapit ako sa pag-asang yun. Basta wag ka lang masyadong paasa, hihintayin kita Bebe ko.
"Uuwi ka na ba? Hatid na kita," presenta ko habang naglalakad na kami sa sidewalk.
"Ahm, actually may pupuntahan pa ako, may kasama rin ako, baka OTW na rin sila."
Aray, na-hurt ako dun kahit hindi direktang kami. Actually assuming lang naman ako pero ang sakit pa rin.
"Sino? Mga girl-kada mo?" ayokong ipahiwatig pero nagseselos ako.
Umiling siya. "Mga kaibigan kong lalaki, sasamahan ko lang,"
"Kilala ko ba?"
Napatingin siya sa akin ngumiti. "Ang cute mo, Spidey." tapos kinurot pa ang pisngi ko.
Dati natutuwa ako kapag sinasabihan niya akong cute, kaso ngayon, iba na ang dating sa akin. Mukha ba akong tuta?
"Sina Benedict lang at Archie," tapos naglabas siya ng lighter at dumukot ng sigarilyo.
Hinablot ko naman. "Dapat dati ko pa sinabi sa 'yo, masama sa kalusugan 'to, tsaka nakaka-damage ito ng collagen build up sa skin at nakakatuyot ng balat, ang dami pang dalang sakit, iwas ka na sa bad habit mo na 'to."
Napabuntong hininga siya at tinapunan ako ng tingin. Akala ko magagalit. "Okay fine, sabi mo eh."
Medyo nakaramdaman ako nang kaunting gaan sa dibdib ko. Kaso baka kapag wala ako, saka siya naninigarilyo. Kaya kinuha ko pati yung pakete na isisilid niya pa sana pabalik sa bag niya.
BINABASA MO ANG
Queen Of Damn
General FictionMisunderstood, mistreated and always in trouble, Reina is no ordinary girl from the bunch of foolish and rebellious kids trying to find her true self and the right place for her existence. She kept her armor of arrogance and belligerence knowing tha...