*Reina*
Magkahawak ang kamay namin ni Miles habang naglalakad papunta sa parking lot. Mula kanina hanggang sa mga oras na yun, di pa rin mawala-wala yung kilig ko.
Tapos magtitinginan lang kami at ngingiti. Ang corny pero gusto ko yung feeling.
"Oy, lovebirds!"
"Sana all may jowa,"
"Sana all may forever,"
"Baka magselos yung asukal sa inyo, layu-layo rin, lalanggamin kayo niyan."
"Ang KJ mo talaga Avryl, palibhasa..."
"Palibhasa ano?! Ayusin mo 'yang sasabihin mo Ein, naku."
Natawa na lang kaming dalawa. Nakabuntot pa rin kasi yung mga kaibigan niya sa likod namin. Feeling ko, gusto ko na rin silang lahat.
"Oyyy, ako'y kinikilig, kinikilig!" biglang sabad ni Sab sa gilid ko kaakbay pa si Casper.
Nagtago ako sa gilid ni Miles saka siya humalakhak. Nakakahiya na ewan.
"First time kiligin in public. Basta, Miles, alagaan mo ang tropa ko ah, treasure yan." narinig ko yung boses ni Benny.
Ayoko silang tingnan, ang pula kasi ng mukha ko!
"Oo naman, akong bahala sa kanya."
"Bah, tropa na rin kayo?" singit ng boses ni Archie.
Tumawa lang ang dalawa saka ko sila lakas-loob na sinilip.
"Ang cute mo rin palang kiligin, Reina." banat na biro ni Casper sabay ngiti, nawala tuloy yung mga mata.
Kung di ko pa ito kilala, iisipin ko may lahing Chinese 'to. Literal na chinito eh.
"Basta, tamang kilig lang ah, 'wag kayong susobra, mga bata pa kayo."
Napalingon kaming lahat kasi boses ng isang kakilala ko. Si Coach Monica.
"Ate,"
Ngumiti lang ito sa amin bitbit yung ilang folders at papers na agad namang kinuha ni JC.
"Coach," usal ko.
"Behave lang kayo ah, 'wag mo nang sumubok ng bawal." nag-sway pa ng daliri sa amin pero ngumiti rin at humarap sa akin. "So happy for you, oy, Morales ah, alagaan mo ang Baby Reina ko," tapos sa kanya.
"Ah, opo, Ma'am Lopez." sagot niya.
"Good," ngumiti ulit ito at pinisil pa ang pisngi ko. "Nakaka-blooming kapag in love, kaya stay healthy and beautiful."
"Si Ate Monica ang daming alam."
"Anong sabi mo, Benny?" pinukol pa nito ng matalim na tingin.
Nagtawanan silang lahat maliban sa amin ni Miles at yung tinuran.
Sa totoo lang, kung istrikto si Coach Francis, mas terror itong si Coach Monica. Nananapak kasi nang walang pasabi.
Naramdaman ko ang paghila ni Miles sa kamay ko. Tapos sumenyas pa nang patagilid ang ulo.
"Thank you guys sa inyo, Ein, Avryl, Vito, Joaquin at yung iba pa, sorry, di ko pa kayo kilala. Una na rin kami," paalam ko.
"Oyy, date ba kayo agad?" makulit na hirit pa rin ng mga iyon.
"Sige na, naku, lalo n'yo lang pinapamukha sa aming couple na kayo, gora na bes."
"Sa inyo rin, guys," referring to Benny and the gang. Actually, I don't know what I'm thanking for. But for formality I guess.
BINABASA MO ANG
Queen Of Damn
General FictionMisunderstood, mistreated and always in trouble, Reina is no ordinary girl from the bunch of foolish and rebellious kids trying to find her true self and the right place for her existence. She kept her armor of arrogance and belligerence knowing tha...