CHAPTER 8 (Old Comrades)

127 4 0
                                    

*Miles*

Amoy pauwi na at haggard.

Yan ang hitsura at status ko ngayon. Paano ba naman, lahat ng activities for this week, tinapos namin ngayon araw.

Maraming dapat tutukan, gahol sa oras at kulang sa manpower. Paano, yung ibang member namin, kundi naghahabol sa grades, lutang at wala as in no show.

Hay, grabe ang buhay ko.

Matapos mahabol ang deadline for the layout, isinumite na namin yung original manuscript sa board of panel for consultation. Kapag na-aprubahan, printing na lang ang kulang.

Nakasandal ang leeg ko sa headrest ng recliner at nakatitig sa kisame. Matagal bago ako nagpatunog ng leeg. Tapos nag-inat, bago ko tinapos yung turn paper ko sa Philosophy. Nilalagyan ko na lang ng watermark at pangalan ko nang may maramdaman akong dumaan sa likod ko.

Naalerto ako at dahan-dahan kong nilingon kung sinuman ang nasa likod ko. Wala namang tao. Biglang nanindig ang balahibo ko.

Tang in*, minumulto na yata ako dito. Alas siyete na rin kasi ng gabi. Dali-dali kong tinapos yung pagta-type ko saka ko i-s-in-ave sa flashdrive at pinatay ang PC. Nagmamadali akong nagligpit kasi baka abutan ako ng oras ng mga kaluluwa.

Sabi kasi ng isang matandang janitor dito, may nagpakamatay dito sa mismong Old Building, di niya lang tinukoy yung eksaktong lugar pero sabi niya, meron ditong nagpaparamdam.

Lalo akong kinabahan nung kumurap-kurap yung ilaw. Tang in* naman oh! Mananakot pa eh, aalis na nga eh.

Halos di ako magkandatuto sa pagsisilid ng mga gamit ko sa bag ko, salpak na lang nang salpak, mamaya ko na lang aayusin pag-uwi.

Nasa pinto na ako habang nasa kamay ko na yung susi nang bigla may humawak sa balikat ko.

"NANANG KO PO!!!"

"Hoy! Ako lang 'to!"

"Put*ng in* ka Jarren! Aatakehin ako sa puso." sapo ko ang dibdib ko at nakasandal sa pinto.

"Andito ka pa pala, akala ko kasi umalis ka na."

Tang in* nito eh, sino ba namang di kakabahan, tapos ang putla pa ng mukha niya.

Pero, medyo napahiya ako dun ah.

"Uuwi na ako, ikaw?"

Halos di pa ako nakaka-recover pero at least, di naman pala multo yung kasama ko, mukha lang. Trip talaga niyang manakot eh lalo kapag naglalamay kami ng issue kapag malapit na sa deadline. Ang nakakainis, lagi akong nadadale.

Nakangisi pa siyang tumango. Tang in* talaga.

"Sige, sabay na tayo." tumalikod siya saglit para kunin yung bag at camera case niya.

Pagkalabas naming dalawa, ini-locked ko na saka kami naglakad sa hallway ng Old Building.

Tahimik lang kami habang nasa daan. Pinakikiramdaman ko lang siya. Takte kasi eh, nadale na naman ako ng prank niya.

"Takot ka pa rin pala sa multo, ang laki laki mo na."

Iyon yung nababasa ko sa mukha niya.

"Nabalitaan mo na ba?" panimula niya habang naglalakad at nakahawak ang isang kamay sa strap ng bag niya. "Kailangan daw ng photojournalist sa gaganapin event bukas ah, sinabihan ka ba?"

Napaisip ako. "Anong event?" sa pagkakatanda ko, wala namang event dito para bukas kasi puro quiz.

"SSC, week 1 day 1 opening event. Kasali itong school natin."

Queen Of DamnTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon