*Reina*
I had a heavy heart when I went out of the headmaster's office. Iniisip ko ang lahat ng sinabi ni Mr Jaronilla at ang maaring maging consequences kung parati na lang akong masasangkot sa gulo.
Naisip ko bigla si Benedict. Paano kung napuruhan siya? Paano kung sira pala yung CCTV? Paano ko patutunayan na wala naman talaga siyang kinalaman sa gulo?
Baka hindi na siya makapaglaro sa next competition.
Bitbit ang mga yun, naabutan kong kausap siya ni Tita. Napakamot ng ulo at nakangiti. Ano kayang pinag-uusapan nila? Nakatalikod kasi siya sa akin.
"Kaibigan ko po si Reina kaya hindi ko po matatanggap yan, wala pong presyo ang pakikipagkaibigan ko po sa kanya."
Napahinto ako saglit.
"You have a very good heart hijo, thanks for keeping her safe. Sana lahat ng taong nagiging malapit sa kanya ay gaya mo."
Saka napatingin si Tita sa akin at ngumiti. Lumingon naman siya at ngumiti rin.
Ano kayang meron?
Lumapit na ako sa kanila at pilit na binabasa ang mga kilos nila.
"Oh there you are, what did the Ishmael tell you?"
I sighed heavily. "Suspended ako sa varsity, hindi ako makakapaglaro sa sports fest this coming week."
"Ganun ba? Sayang naman." si Benedict na hahawakan sana yung balikat ko.
"Ah," napaigtad ako.
"Sorry, may masakit ba?"
"Did you already see your doctor?" tanong ni Tita at sinipat ako mula ulo hanggang paa.
Umiling ako kaya huminga ito nang malalim. "You're going to see Dr Hubert Tan to check your condition today. Hindi mo na dapat pinatatagal 'yan."
"I'm fine tita, may klase pa kami." matabang na tugon ko at naglakad na.
"Reina,"
Nilingon ko si tita, kahit si Benedict na nakasunod sa akin.
"We still need to talk, I'll see you after school. Hindi pa tapos ang gusot na ginawa mo, and mind you, stop dragging other people to your mess."
Wala na, umalis na yung mabuting espiritu na sumanib kay tita kanina.
Saka humarap sa katabi ko nang nakangiti. "Can you look after her? She terribly needs a friend like you."
Alanganin siyang ngumiti. "Ah... Okay po."
Pero nagbago pagdating sa akin. "You should go by now, your class is about to start."
Napaikot na lang ako ng mga mata saka nagpatuloy sa paglalakad.
"Ang bait pala ng tita mo, panay thank you sa akin eh," bungad uli ni Benedict.
Napasilip ako saglit sa mukha niya tapos itinuon na ang tingin sa dinadaanan naming hallway.
"Akala ko kapag naga-guidance puro trouble o problema, pwede rin palang good karma,"
"Alam mo bang pwede kang ma-suspend?"
Napahinto siya at natigagal.
"Kung bakit kasi sumugod ka pa eh, yan tuloy."
"Sorry naman, kasi yung tropa ko pasaway eh."
Huminga ako nang malalim at tinitignan siya nang mataman. "I'm sorry Benny, nadamay ka pa. Hindi ko alam ang gagawin ko kung pati ikaw mapaparusahan nang dahil sa 'kin."
BINABASA MO ANG
Queen Of Damn
Ficción GeneralMisunderstood, mistreated and always in trouble, Reina is no ordinary girl from the bunch of foolish and rebellious kids trying to find her true self and the right place for her existence. She kept her armor of arrogance and belligerence knowing tha...