*Miles*
Halos gabi na nung makauwi ako, nang buksan ko yung ilaw, may bumulaga sa 'kin na mga engkanto.
"Insan!"
Muntik na akong mapamura sa gulat. Sapo ang dibdib ko ay napakapit pa ako sa pasimano.
"Tang in* naman eh, alam kong nakakatakot yung mukha n' yo, wag n'yo nang ipangalandakan."
"Ulul," sabay batok sa 'kin ng isa kong pinsan. Si batok talaga 'tong pinsan kong medyo madyubis.
"Ano bang kailangan n'yo?" habang hinuhubad ko yung coat ko, pagkalapag ng bag ko sa sofa chair.
Saka naman sila nagsiupo sa long sofa. Naawa ako sa iyak ng sofa, halos lumubog sa bigat ng pinsan ko.
"May bago kasi kaming business na gustong subukan," napahinto yung isa na payat, pinigil ko na kasi ng kamay ko.
"Wala akong pera," putol ko kaagad. Nahihimigan ko nang mangungutang na naman ang dalawang 'to.
"Hindi, tungak! Makinig ka muna kasi." akmang babatukan na naman sana ako nung isa kaya umiwas ako. Ang gaan ng kamay eh.
"Sige, ano ba yun Kuya Jiggy?" tinutukoy ko yung payat na mukhang durugista.
Mukha lang adik pero hindi. Matino naman si Kuya Jiggy, lagi lang nangguguyo.
Sinamahan pa ng kutuserong kapatid, si Kuya Boks. Sanay mang-harbat at mangulimbat. Pero di sila sindikato. Mukha lang.
"Ganito kasi yun, may binuo kaming app, ano bang tawag dun, Jigs?" ani ni Kuya Boks na halatang scripted.
Alam ko na kasi ang linyahan ng dalawa eh pero sige, kunwari, hindi ko alam.
"May app kasi kaming binuo, nagpagawa kami kay Opel at Atom, ano siya services ang bentahe. Kunwari, may ipapabili sa drugstore, may ipapabili sa shopping mall o kaya may—"
"Food Panda? Grab food?"
"Hindi lang yun, hindi lang sa pagkain. Bale parang ano siya... Ikaw na nga mag-explain!" nabanas agad yung isang halatang hindi alam yung sinasabi.
"Ano namang kinalaman ko dyan?"
"Gusto naming ikaw yung magiging front man namin, kumbaga, endorser, naka naks yeah sir!"
Medyo lumaki yung tenga ko dun ah. Endorser, ano, model lang ang peg ko?
Pero in fairness, naisip nilang ako ang kunin. Ang lakas ko naman.
"Ano ba kasing product? Baka naman scam yan ah. Alam n'yo naman, kilala n'yo si kuya."
Kuntodo iling agad ang dalawa. "Siyempre hindi! Ano ka ba!? Gusto mong patayin kami ng kuya mong tigre."
Buti alam n'yo. Pero natuwa ako dun ah. Pang-commercial na pala ang kapogian ko.
"Ano kasi yun, para siyang fanservice, magbo-book yung client ng isa o dalawa o higit pa, kumporme sa mga tasks. Kunwari, gusto niyang ipamalengke mo siya o kaya, gusto niyang ipasyal mo siya as driver o kahit ano," sabay kindat sa 'kin. "Kasama sa malamig na gabi."
"Put*ng in*! Ano yan?! Dating app o bugaw?"
"Hindi!" sabay siko sa patpating kapatid. Halos tumalsik sa kinauupuan. "Gago kasi 'to si Jigs eh," saka tinapunan ng masamang tingin.
"Gago, pwede yun."
"Ayoko," mabilis na sagot ko. Nung unang nakita ko pa lang yung pagmukha ng dalawang ito, kutob ko na may masamang balak 'to eh,
Kasalanan ko rin, pinakinggan ko pa kasi.
"Pumayag ka na, Insan. Sige na, kasi malaki na ang na-invest namin, rolling na yung pera tapos operational na kaso kapag nakikita ng client yung mukha namin, nagka-cancel."
BINABASA MO ANG
Queen Of Damn
General FictionMisunderstood, mistreated and always in trouble, Reina is no ordinary girl from the bunch of foolish and rebellious kids trying to find her true self and the right place for her existence. She kept her armor of arrogance and belligerence knowing tha...