Extra Chapter -Prom- (Queen)

69 4 0
                                    

This is it guys!
Where it all began...

For a better understanding of the scenes, kindly go back to the All Girls party, this is the continuation...

* * * * * *

‡Flashback‡
(Second week of November—A day after the SSC Athletics awarding event ended.)

Thursday, a day before prom
*Reina*

"Tang in* naman oh!" bulalas ni Zelle.

"Patalo eh," himutok ni Pola habang naka-display yung electronic score sa screen sa taas.

"Wala eh, triggered yung isa dito," nakangiting humarap sa akin si Eiza. "Paano ba yan?"

"Peste!" sigaw ni Zelle. "Isang game pa,"

"Yoko na, uuwi na 'ko, ma-traffic pa 'ko," humahangos pa ako nang pumunta ako sa neutral side at kinuha ang towel ko. Si Pepot naman, yumakap pa sa baywang ko.

"Ang galing mo pa rin ate! Astig kayo ni Ate Eiza." at umayos nung ngumiti ako sa kanya.

Napatingin tuloy ako dun sa mga kalaro naming bata. Lugmok pareho, mayayabang kasi eh, yung outside hitter at libero ng kabilang team. Yung isang ka-team namin, nakangiti lang sa akin, yung opposite hitter.

"Better luck next time, si Reina, hindi man lang kayo pinagbigyan," ngumiti lang si Lilika. Sport naman talaga ito kahit pa noon.

"Ano bang fine nito?" tanong ko.

"Wala, libre lang ng food." si Eiza na ang sumagot at nag-inat. "Tara na guys, matutulog pa 'ko."

Nagpalit na kami ng damit at isa-isang nagsisukbit ng bag. Marami nang tao sa cafe pagkabalik namin, si Kuya RK, di na rin magkandaugaga.

"Oh, tapos na?" ngumiti sa amin at sumilip pa sa likod namin. "Kakain ba kayo?"

"Oo kuya, may available pa ba?" si Pola na sumandal pa sa counter.

"Lahat kayo?"

Nagsitinginan kami pati sa mga bata. Yung dalawa, lumayas na, si Ayesha naman, may lakad pa raw at isinabay na si Nicole.

"Oo kuya," si Eiza na ang sumagot.

"Sige, handa ko yung table n'yo, anong order n'yo?"

"Yung dati pa rin kuya." sabay-sabay pa kami. Oldtimer na kami kaya alam na ni Kuya RK yun.

Naghintay kami saglit kasi maraming tao, punuan na pati sa taas, kaya puwesto na lang kami dun sa labas. Sa alfresco tables nila.

"Bad trip yung dalawa, natuod eh," mula kay Pola na sumisimsim ng iced coffee.

"Pa'no 'to, di man lang pinatira nang maayos," tinuro pa ako ni Zelle. "Tang in*, nakakahiya yung pagkatalo namin kanina,"

Set 3 lang kasi ang inabot. Sobrang bilis ng laban.

"Di ka pa rin maka-moved on?" tinawanan lang ni Eiza.

"Tama lang yun, para magtanda, masyadong bilib sa sarili eh. Magiging wake up call na nila yun," singit ni Grazie. Napansin din kasi nito yung attitude nung isa.

"Masyado naman kayo, dun din naman kayo galing." mahinahong sita ni Lilika.

Nanahimik na lang ako. Naging weak din naman ako noon at laging na-a-out yung tira ko lalo kapag matangkad ang katapat ko, parati pang violation sa net kaso ni minsan, hindi ako naging mayabang. Mas gusto ko ngang mas malakas ang nakakatapat ko para mahasa yung skills kong mautakan yung kalaban. Lalo na kapag set 5 na.

Queen Of DamnTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon