*Miles*
Nagmamadali akong humabol sa oras na itinakda nung customer kong napaka-demanding. Ang sarap real talk-in.
Habang nag-aabang ako ng taxi, nakatanggap ako ng text mula kay Avril.
Avryl Kokak:
Nas'an ka, panget?
May meeting gagi.Napaismid na lang ako. Pero agad akong nag-reply.
Miles na di pogi, slight lang:
Baka naman. Minsan lang ako di a-attend, importante kasi 'to.Avryl Kokak:
Naku, kumikitang kabuhayan na naman yan 'no? Sige, sige na nga.
Update na lang kita.
Chat chat na lang.Miles na di pogi, slight lang:
Mamat 😊Hindi na siya sumagot ulit. Kaya ibinalik ko na yung phone sa bulsa ko. May huminto na rin sa tapat ko at pagkatapos makipag-negosasyon, sumakay na ako.
Leche, kaya ayokong mag-taxi. Matik na mangungontrata. Okay lang kasi may sukli naman yung customer, sana lang magaan magbigay, mukhang yayamanin naman eh.
Mag-aalas singko na rin ng hapon kaya inabutan na kami ng early rush hour. Sa Fort Bonifacio pa naman yung address ng customer.
Sana pala kinuha ko yung service car. Pero mas okay na yung ganito, di ko rin masyadong kabisado yung daan.
Nasa kahabaan na kami ng C5 nang tumawag si kuya. "Kuya! Napatawag ka?"
"Pinapaalam ko lang, baka hindi ako makauwi mamaya. Papuntahin mo na lang yung mga pinsan mo para may kasama ka."
"Ah ganun ba, hindi okay lang ako kuya. Sanay naman na 'ko eh,"
Tahimik na yung sa kabilang linya. Kaya sinilip ko saglit kong pinatay na niya. Hindi pa naman kasi umaandar pa yung minuto ng tawag.
"Kuya, andyan ka pa?"
"Papuntahin mo na sila, mas panatag akong may kasama ka. Magsara ka ng pinto ha, i-check mo lahat bago ka matulog."
Nailing na lang ako. Si kuya napaka-apprehensive. Paano ba naman, kaming dalawa na lang kaya ganito na lang niya ako pag-ingatan. At isang bagay na rin ang linya ng trabaho niya.
Madalas kasi siyang makabangga ng mga sindikato at ilang kilalang personalidad. Kaya nga minsan, dinala niya ako sa firing range para turuan kung paano bumaril. Mag-aral daw ako, para proteksyon. Ang sabi ko naman, saka na kapag tapos na ako ng Criminology o kaya kagaya sa kanya, Law.
"Opo, kuya."
Ilang segundo pa ay binaba na niya. Pinanatag ko na lang ang loob ko. Karaniwan kasi kapag nagpapaalam siya nang kagaya nito, may malaki silang operation o di kaya may tinitiktikan silang isang malaking sindikato.
Yung huli nilang operation, nakasabat sila ng ilang smuggled na baril, droga at ilang illegal na kontrabando. Ilang Chinese nationals at kasabwat na pinoy ang nahuli sa operasyon sa pakikipagtulungan din nila sa PDEA at CIDG.
Hindi naman naitatanong pero, ang kuya ko, isa sa pinakabatang junior investigator ng cybercrime division at madalas siya ang humahawak ng malaking operasyon sa departamentong iyon. Astig di ba?
![](https://img.wattpad.com/cover/246189691-288-k184770.jpg)
BINABASA MO ANG
Queen Of Damn
General FictionMisunderstood, mistreated and always in trouble, Reina is no ordinary girl from the bunch of foolish and rebellious kids trying to find her true self and the right place for her existence. She kept her armor of arrogance and belligerence knowing tha...