*Miles*
Itinaon ko na break time yung pagpunta ko sa Student Council committee para idulog yung case ng kaibigan at kaklase kong si Ein. Plano sana naming dalawa kaso nag-back out agad yung isa dahil sumama daw ang tiyan.
Alam ko namang dinaga lang yun. Api-apihan kasi kahit sa bahay nila. Kahit nga sa club, kung i-bully ni Avryl, ganun na lang.
Habang palakad ako, nasalubong ko pa si Cesar Atienza, isa sa mga committee members.
"Oy,"
"Oy." nginitian ko at nakipag-fist bump pa.
"Kamusta, anong sadya mo dito?"
"May gusto sana akong itanong, busy ka ba?"
"Tungkol saan? Sa event ba 'yan?"
"Hindi, tungkol kay Marlon, sa dating VP."
Kitang-kita ko ang pag-iba ng disposisyon nito at kumunot ang noo. "Bakit? Ano na naman bang ginawa niya?"
'Kitams, maski mga dating kagrupo, alam ang likaw ng bituka nung ungas na yun.
"Pwede bang sa loob na natin pag-usapan?"
Kaya naman inimbitahan niya ako sa loob ng opisina nila.
Para talagang legit na opisina yung loob, may hiwa-hiwalay na section at cubicle din para sa mga mesa ng bawat member. Parang sa 'min din kaso mas maluwag at mas modern yung mga office furniture.
"Halika, dito ka na maupo." Paunlak niya at iminuwestra pa ako sa visitor chair at siya naman ang umupo sa likod ng mesa niya. Siya pala ang officer of the day.
"Ano ba yung tungkol kay Marlon?"
Humugot muna ako ng malalim na hininga bago ko ikinuwento, na walang labis, walang kulang.
Habang nagsasalita ako, di niya mapigilan mapalatak at umiling ang ulo.
"Grabe, wala talagang patawad ang isang yun. Nakakahiya, di ko maisip na naging officer yun nitong student council. Ako bilang dati niyang ka-grupo, nahihiya sa pinagagawa niya."
"Hindi pa naman napatunayan pero, kilala ko si Ein, di siya magsasabi ng ganun kung wala siyang dahilan."
"Oo, kilala ko rin si Einstein, parati nga siyang nanalo sa mga Science fair dito at sa ibang school. Sige, kakausapin ko ang iba pang miyembro, papaimbestigahan namin. Pero sa ngayon, ang magagawa na lang niya eh, bumawi na lang. Wala eh, mautak talaga ang kalaban niya eh, nagsigurado na."
"Iniisip ko sanang kausapin din si Sir Jarronila tungkol dito kaso, naisip ko dapat dumaan muna sa inyo tutal, saklaw n'yo pa rin yung mga ganitong isyu."
"Tama lang ang ginawa mo, kasi mahirap ding mambintang gayong malinaw naman na may foul play talaga. Basta," tumayo na siya kasi napatayo na ako. "Balitaan kita tungkol dito,"
"Sige, salamat, Master Popo—este, Cesar pala." kinamayan ko pa bilang pormalidad.
Muntik na ako dun ah. Hahaha. Kasi naman eh, si Cesar, mukhang anak mayaman naman pero yung kulay, pang-ulikba. Nasunog na kasi dahil sa field, runner din kasi, at ang bilis tumakbo nito, parang kabayo.
Pero no shit, ang bait niya at madaling lapitan. Siya kasi ang binoto namin, solid silang lahat, maliban lang sa Marlon na impaktong yun. Di ko nga alam kung bakit nanalo yun eh.
Nandaya marahil. Sanay na sanay na kasi, kahit sa mga pa-contest dito sa school, hustler na sa panunuba.
Speaking of,
"Siyanga pala, may isa pa pala akong itatanong tungkol sa Baccalaureate at Pageant for Strands, tuloy ba yun this year?"
Napaamang siya at saglit nag-isip. "Hindi ko pa sure, pero...update kita. Nga pala yung tungkol kay Kirsten, naayos na ba?"
BINABASA MO ANG
Queen Of Damn
General FictionMisunderstood, mistreated and always in trouble, Reina is no ordinary girl from the bunch of foolish and rebellious kids trying to find her true self and the right place for her existence. She kept her armor of arrogance and belligerence knowing tha...
