Note:
Medyo mahaba, pasensya na po.*Reina*
Tumitibok-tibok ang sentido ko. Senyales na umatake na naman ang migraine ko. Hinimas ko at minasahe gamit ang isang kamay kahit nakapikit pa rin ang mga mata ko. Umungot ako nang mahina at sinubukan lumipat ng posisyon saka ko nakapa ang tila isang matigas na umbok sa gilid ko at narinig ang mahinang ungol.
Napadilat ako nang di oras at nahindik sa nakita ko. Nakayakap ako sa katawan ng isang lalaki, nakadantay pa ang hita ko sa baywang niya. Nakapalibot naman ang braso niya sa baywang ko.
Sumigaw ako at agad pinaghahampas siya tapos sinipa palayo sa akin. Sa sahig na siya pinulot at nagising.
"Aray ko naman!" bulalas niya at sapo ang likod niya pagkatayo.
"ANONG GINAGAWA MO DITO SPIDEY!!" sigaw ko at agad napansin na naka-lingerie lang ako. Hinablot ko bigla ang duvet at tinakpan ang katawan ko.
"Hoy! Mali yung iniisip mo! Ano, ikaw kaya ang naghubad dyan tapos, ano... Hinila mo ko eh, ayaw mo 'kong paalisin... Oy teka!"
Binato ko siya ng bolster pillow at unan. Panay naman ang ilag niya.
"Reina, tama na! Talaga namang ikaw ang unang yumakap sa 'kin!"
Biglang namula ang mukha ko. Hindi ko inaasahang sa lahat ng tao, siya pa talaga ang nakakita sa katawan ko. "Bakit di mo 'ko ginising! Pasimple ka pa! Di ko alam na may pagkamanyak ka rin pala!"
"Hindi naman talaga eh, please naman. Maniwala ka naman sa akin oh,"
Nung napagod ako at naubos yung pwede kong ibato, tumigil na 'ko. Nanatili ang matalim na tingin ko sa kanya.
"Hindi naman ako yung nagtanggal ng damit mo, ikaw yung naghubad dyan. Aalis na nga ako eh."
"Tumalikod ka," utos ko.
"Ha?"
"Magbibihis ako."
Nataranta pa siya pero sinunod naman ako. Minasdan ko muna ang likod niya bago ako nagsimulang tumayo mula sa kama.
"Wag na 'wag kang lilingon, sasapakin kita."
Umiling siya habang nakatalikod. "Hindi talaga, hinding-hindi."
Pinulot ko yung t-shirt ko at yung skirt ko. Saka ko isinuot. Nakabantay lang ang tingin ko sa likod niya.
Nang nakabihis na ako saka ko siya hinarap. "Anong oras mo 'ko pinuntahan kagabi? Hindi ko na matandaan."
"Ala-una, mag-a-alas dos ng madaling araw. Uuwi pa sana ako kaso..."
Bumuntong hininga ako at tiningnan siya nang mataman, mukha namang nagsasabi siya ng totoo. "I'm sorry, kung nasaktan kita kanina, nagulat kasi ako eh."
Humugot din siya ng malalim na hininga bago siya ngumiti na rin. "Okay lang yun, normal lang naman yung reaksyon mo... Kaso ang sakit ng tadyak mo sa 'kin, nabalian yata ako."
"Saan? Patingin nga,"
"Joke lang, wala namang koneksyon yun dun. Siguro yung pagbuhat ko sa 'yo kagabi. Pero mawawala rin 'to."
"Sure ka?"
Pilit siyang ngumiti. Nadala naman ako. May kung ano kasi sa ngiti niya na nakakadala.
Tahimik pagkatapos. Maya-maya bigla kaming natawang pareho.
"This is freaking awkward," I said while looking at his face.
He was so genuinely nice.
"Siguro kasi, hindi ka sanay na may ibang tao dito. Ako rin siguro, kung nasanay na walang kasama, mawe-weirdo-han din."
BINABASA MO ANG
Queen Of Damn
General FictionMisunderstood, mistreated and always in trouble, Reina is no ordinary girl from the bunch of foolish and rebellious kids trying to find her true self and the right place for her existence. She kept her armor of arrogance and belligerence knowing tha...