The Red Skull HQ.
10 years ago...
Mainit ang ulo at may kasamang yamot.
Padabog akong naglakad palabas ng baraks bitbit pa rin ang bag ko at ang inis ko. Kakainis kasi si Papa, ang sabi niya wala daw akong utang na loob, pinalaki na't lahat, pinakain at pinag-aral, masama pa rin ang iginanti, pinalalayas na ako.
Gago pala siya eh, kanino ba ako magmamana?
Saglit akong huminto sa paglalakad at tumingin sa paligid ko. Humugot ng malalim na hininga sabay buga, nagsimula akong magmarkulyo.
Pinagsisipa ko ang mga nagkalat na lata at ilang gamit na nakatambak na gulong at ilang parte ng sasakyan.
Kung hindi nga inuuwian itong baraks, sa unang tingin parang junk shop.
Pinaghahagis ko at winasak. Sa sobrang wala akong paki sa dumi, namanstahan na tuloy ng kalawang ang suot kong uniporme.
Inalabas ko ang sama ng loob ko sa mga lintik na basura. Tapos sumigaw ako nang malakas.
Nung napagod ako, napaupo na lang ako, katabi ang mga pinagtatapon kong gamit. Hiningal din ako dun ah.
Tinapunan ko ng tingin ang bag ko. Sa isip isip ko, wala na ring kwenta kung papasok pa ako, siguro hanggang grade five na lang talaga ako, hindi na ako makakapagtapos ng pag-aaral.
Kaya balak ko na sanang sunugin ang mga gamit ko sa eskwela pati yung uniporme ko, tutal, wala naman na akong babalikan, kahit naman sa school patapon ang turing sa akin.
Putok sa buho
Anak ng kriminal
Sanggano at Anak ng Demonyo
Yun ang madalas na tukso sa akin ng mga kaeskwela ko at kaklase. Kahit mga titser ko, ganun ang turing sa akin.
Bakit, kasalanan ko ba yun? Bakit ganun sila, masyadong mapanghusga at mapang-api? Hindi ba sila nagkakamali?
Perpekto ba sila?
Sa sobrang sama ng loob ko, tumulo tuloy ang luha ko. Nakakasawa na kasi, ganito nang ganito na lang parati, hindi makakalipas ang isang linggo na hindi pinatawag si papa ng prinsipal namin, dahil sa ginagawa kong kabulastugan.
At ilang kaklase ko na ang nasaksak ko ng lapis at ballpen, gaya kanina. Langhiya kasi si Ruperto, nananahimik ako nung una, bigla ba naman akong pinatid. Bigyan ko nga ng souvenir.
Muntik ko na rin siyang mabulag, buti naawat ako ni Jacala. Tsaka naman dumating ang adviser namin.
Napatanaw ako sa langit sabay buntong hininga. Tama naman sila eh, kung sana pinalaki akong may nanay, baka hindi ako magkakaganito.
Dahil naalala ko na naman yun, napadukot ako sa bulsa ng khaki pants ko at tinitigan ang kaisa-isang picture ni Mama.
Ang sabi kasi ni papa, patay na siya, namatay sa panganganak sa akin, kaya naisip ko, salot talaga ako, kasi kung hindi dahil sa akin, sana buhay pa siya.
Tapos malalaman ko, buhay pa pala talaga siya kaso nakatira sa ibang pamilya. May ibang pamilya na si Mama.
Yun ang isa pang bagay na ikinasasama ko ng loob sa papa ko. Sana sinabi na lang niya nang mas maaga. Hindi yung nagluluksa ako at pinararamdam niyang malaking sagabal at pabigat lang ako sa buhay niya.
Hindi naman yun sa pagsisinungaling niya eh, kasi alam ko naman, tanggap ko, na hindi talaga siya pipiliin ng mama ko, dahil na rin sa klase ng buhay at pamumuhay ni papa, kaso ang masakit, hinayaan niya akong mag-isip at magmukhang tanga kakahanap ng rason kung bakit ganito ang buhay ko. Kung bakit wala akong nanay, kung bakit laging mainit ang ulo ni papa sa akin at kung bakit pa ako nabubuhay.
BINABASA MO ANG
Queen Of Damn
General FictionMisunderstood, mistreated and always in trouble, Reina is no ordinary girl from the bunch of foolish and rebellious kids trying to find her true self and the right place for her existence. She kept her armor of arrogance and belligerence knowing tha...