Extra Chapter -Prom- (King)

125 3 0
                                    

Para di kayo malito sa pagbabasa ng mga scenes dito, before dun sa bottom part ng Sprinter part 2 (that scene was Saturday, after ng Prom) at yung previous chapter, karugtong ng Extra Chapter na All Girls party. Gets na ba? Good.

Mga cut scenes lang po ito.

* * * *

‡Flashback part 2‡

*Miles*

Nakakatamad.

Napabuntong hininga na lang ako. Pang-isang daan ko na yata. Bukod kasi sa wala na kaming pahinga dahil sa hinahabol na lessons, pinagpuyatan pa namin yung paggawa ng props sa stage. May mga kinuha namang professional event coordinator kaso kinailangan pa rin ang tulong ng school events board coordinator para sa ibang props.

Lagi naman eh.

"Miles, ano?"

Tinapunan ko lang ng tingin si Ein na nagliligpit ng gamit at isinukbit na ang bag sa likod. Napalingon pa sa akin.

"Di ka pa ba mag-aayos? Anong oras na oh,"

"Mamaya, di pa nauubos yung pagod ko."

"Dapat kasi hindi na kayo tumulong eh, may mga staff naman yung kinuhang event coordinator. Buti ba kung may bayad din kayo."

"Humingi kasi ng tulong si Ma'am Asistio. Di ko matanggihan,"

"Sabihin mo, sinusumbatan ka na naman, ibang klase rin 'yan ninang mo eh, por que siya ang nagpasok sa 'yo sa scholarship, kung makahingi ng pabor—"

"Ako naman kasi ang nagpresenta,"

"Kahit na, sana naisip niyang pagod ka na sa school activities, tapos club activities pa, natutulog ka pa ba? Minsan kasi sa sobrang bait mo, inaabuso ka na rin eh,"

Bumuntong hininga na lang ulit ako.

"Pero a-attend ka?"

"Oo, siguro, iidlip lang ng ilang minuto,"

"Naku, delikado yung mga ganyang catnap-catnap, minsan dumidiretso na."

Hinampas ko naman agad.

Tumawa lang siya. "Hindi ang ibig kong sabihin, yung tulog mo, hanggang gabi na."

"Alas kwatro palang naman eh,"

"Uuwi ka pa?"

"Oo naman," matamlay na sagot ko.

"Sabay na tayo,"

Kahit hapong hapo pa, tumayo na ako at binitbit na ang gamit ko. Naglakad na kami palabas ng room namin at dumiretso na sa hagdan.

"Di ba may kinuhang mga pro event photographer?"

Tumango lang ako.

"Eh ba't hawak mo pa 'yan?" aniya habang isinasara ang locker niya.

"Magdadala ka pa rin ng camera?" sabay turo niya sa camera case ko na inilabas ko mula sa locker ko.

"Hindi, pero, in case."

"Alam mo, adik ka na."

Di niya ako maiintindihan kasi hindi naman siya mahilig sa mga scenery.

Pagka-secured ng mga gamit namin, dumiretso na kami palabas. Napatingin pa ako sa kabilang building at napahinto bago nagpatuloy maglakad.

"Wala, hindi pumasok. Pansin ko, kung hindi nagka-cut class, absent lagi yung transferee."

Napaismid lang ako at hindi na siya pinansin. "Ano bang alam mo?"

Queen Of DamnTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon