EPILOGUE

99 5 2
                                    

Naging maingay ang balita sa telebisyon at internet hingil sa pagpanaw ng mag-asawang negosyante na sina Diana at Salvador Alcazzar.

Lahat ay nagulat at nabuo ang espekulasyon na may ibang tao na nasa likod ng biglaang pagpanaw o intensyon na pagligpit sa kanila.

Hindi pa malinaw ang tinatakbo ng kaso at puro circumstantial ang mga lumalabas na angulo pero di maikakaila na may motibo sa pagpatay.

Kasama ng pagkamatay ng nasirang tiyuhin ni Reina ang mga anomalya at mga intriga sa likod ng pangalan nito.

Napag-alaman ng mga awtoridad na kasapi ito ng isang systematic at multi-dollar scheme ng money laundering at organisadong sindikato na nasa likod ng pagpapakalat ng illegal na drugs sa bansa. Isa rin ito sa nagma-manufactured at nagpapaikot ng mismong produkto sa iba-ibang bahagi ng bansa kabilang na sa kalakhang Maynila.

Napatunayan sa pamamagitan din ng pinagtibay na salaysay ni Reina, makalipas niyang isiwalat ang mga kahina-hinalang usapan na narinig noon, nakahanap kasi siya ng ilan pang importanteng ebidensya sa workshop ng namayapang ama.

May mga dokumento at ilang mga ledger book, listahan at mga transaction bills at bank deposit receipts na nakapangalan sa di pa natutukoy na personalidad ng mga awtoridad, ipinakita niya at bineberipika na ng NBI ang mga iyon at kasalukuyang hawak para maging lead sa kaso, hawak pa rin ng ahensya ang imbestigasyon at patuloy na gumugulong ang pag-iimbestiga.

Kahit paano ay nabibigyan na ng kaunting linaw ang mga nangyari sa kanya at nakamit na rin ang inaasam niyang hustisya.

Hindi man niya gustong ganito ang sinapit ng dalawa, pero wala na rin naman siyang magagawa, hinatid sa huling hantungan ang mga labi ng mag-asawa sa isang sikat na columbarium sa QC, ilang milya sa public cemetery kung saan nakalibing ang kanyang ina.

Balak niya na rin sanang ilipat ang labi ni Alicia kung saan nakalibing ang kapatid niya at ang ama kaso, may isang bagay na pumipigil sa kanya.

Napabuntong hininga na lang muli si Reina habang minasdan ang puntod ng kanyang ina. Pinalitan ulit niya ang bulaklak at nagsindi ng kandila. Napatanaw din siya sa langit, tila nagbabadya kasi ang ulan.

Makapal at nagpapalit mula sa kulay puti papunta sa abuhing ulap. Maya-maya pa ay may humarang na isang itim na payong kaya napatingin siya sa may-ari at bahagyang ngumiti.

"Tara, mukhang babagsak na yan, anumang oras." aya ni Miles, ang nobyo niya.

"Saglit na lang please, give me five more minutes."

Humugot ito ng malalim na hininga. "Okay, five minutes." at naupo sa tabi niya. "May plano ka na ba this summer?"

"Wala, wala naman akong ibang pupuntahan," matamlay na sagot niya.

Dahan-dahan namang ginagap nito ang kamay niya. "Kung gusto mo, sa amin ka na lang, may kwarto pa naman sa itaas eh,"

Ngumiti siya at tumingin nang diretso sa maamong mukha ng nobyo niya.

"Thanks, pero siguro, aayusin ko muna ang sarili ko, medyo naguguluhan pa rin ako matapos ang lahat, iniisip ko nga kung bibitawan ko na ang condo ko or ibebenta ko na lang ang mansyon, kaso naisip ko kasi, maraming umaasang mga helper at trabahador sa akin, panigurado, mawawalan sila ng trabaho,"

"Sigurado ka na ba dun? Ikaw rin, sayang yung mga memories dun, tsaka gaya nga ng sabi mo, maraming umaasa sa 'yo, paano sila kung iba na ang may ari?"

"Kaso, parang ayoko na kasing tumira dun, maraming masasakit na nangyari, parang ayoko munang isipin ang mga yun."

"Kung anuman ang maging desisyon mo, susuportahan kita."

Saglit na namayani ang katahimikan.

"Naisip ko lang, kung ayaw mong tumira dun, bakit di mo buksan bilang atraksyon?"

Queen Of DamnTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon