*Reina*
Gusto ko nang lumubog sa kinahihigaan ko nung marinig ko ang alarm sa nightstand ko.
Ayoko pang bumangon, nagbabawi pa lang kasi ako ng tulog. Nakakapagod yung naging gabi ko dahil sa pageant tapos si Jecka nangungulit pa.
Itinakip ko ang unan sa ulo ko para i-blocked sa isip ko yung gagawin ko mamaya. Ini-imagine ko pa lang, tinatamad na ako.
Hanggang sa hindi ko na kinaya, hinablot ko yung alarm at pinatay. Tapos padaskol na bumangon. Bad trip kasi, sino kaya ang kumuha ng mga dresses ni Jecka? Babayaran ko pa tuloy lahat yun.
Manghihingi na lang sana ako ng pandagdag kay Tita, kulang pa kasi yung napanalunan ko sa contest pambayad dun, puro designer's gown yun, di yun pipitsugin lang. 
Kaasar! Tapos ang magaling na si Gianna, s-in-uggest na mag-model na lang ako sa bagong line nito para offset na kami. 
Itong si Jecka naman pumayag, kaso ayokong mag-model ulit sa kanya, sa collection okay pa, kaso sa cosplay? 
Feeling ko, pinagkakaisahan ako ng dalawa eh. Hindi ko naman mahindian kasi kailangan ko rin yung pera, para sa naisip kong proyekto sa school. Kahit man lang sa ganung paraan, may ambag ako. 
Bumuntong hininga ako at tinungo ang banyo para magbawas ng tubig sa katawan at mag-toothbrush, saka naghilamos kahit maliligo naman ako. Hindi ko kasi natanggal yung make up ko at feeling ko, ang kapal kapal ng mukha ko dahil dun. 
Matapos kong mag-cleanse ng mukha, bumalik ako sa kama para tumingin muna sa FB. Kapag tinatamad talaga ako, gawain ko na 'to. Pagbukas ko ng Wi-Fi, ang dami nang notifications tapos friend requests. 
Hala, sino ang mga 'to? 
Pinag-i-ignore ko lang at pinili yung mga kilala ko. Si Benedict, confirmed, si Lorraine, confirmed, si Sab at Archie, confirmed. Yung ibang nakikipag-chat mate pa, blocked agad. 
Tapos namili pa ako nang lumitaw ang name na Miles Morales sa friend requests kaya binisita ko muna yung profile niya. 
Si Spidey nga siya, oo nga pala, yun pala ang pangalan niya kaya Spidey ang tawag ko sa kanya, nakalimutan ko na. 
Saka ko nakita ang name nung dalawang friend niya, sina Avryl at Einstein, confirmed ko din sila. 
Sa ngayon, hanggang dun muna. Saka ko tiningnan isa-isa ang mga notif. Yung iba tungkol sa Pageant kagabi at naka-tagged pa ang pangalan ko sa mga pages ng school at mga posts ng schoolmates ko.
Yung iba, thankful na ako ang nanalo, yung iba, bitter. Hindi talaga nawawala yun. Tapos yung iba nagpahayag pa ng opinion nila tungkol sa sinabi ko regarding dun sa issue ng transgender at ilang member ng LGBTQ, napaismid na lang ako. Kung di pala sila sang-ayon di 'wag, pake ko sa opinyon nila. 
Maraming bumati at nagpaabot ng paghanga. Nakaka-touched naman ang message ng iba kaso may mga panira rin.
Itinigil ko na nga, lalo akong maba-badtrip, ipa-private ko na lang ulit yung account ko. 
Tumayo na ako at pilit na sinimulan ang araw ko kahit ang sarap matulog maghapon. Wala eh, kailangan kong rumaket muna.
Naligo na ako at nagbabad sa bathtub ng mga ilang minuto, na-stressed ang katawan ko kagabi kaya kailangang i-rejuvenate.
Matapos ko sa banyo, nag-checked ulit ako sa FB ko at nag-post ng cryptic message.
👗🧥👚👠👢👟👙📸📷
Tapos nagsimula nang magbihis. Wala pang ilang segundo nag-notif si Facebook.
Hindi ko pinansin at nagsuot lang ng casual get up ko. Yung usual kong isinusuot; white shirt, jeans at white Converse. 
                                      
                                   
                                              BINABASA MO ANG
Queen Of Damn
General FictionMisunderstood, mistreated and always in trouble, Reina is no ordinary girl from the bunch of foolish and rebellious kids trying to find her true self and the right place for her existence. She kept her armor of arrogance and belligerence knowing tha...
 
                                           
                                               
                                                  