Makulimlim ang langit.
Nagbabadya ang isang masamang panahon. Isang malakas na ulan. Mula sa kalangitan, itinuon ko ang tingin sa di kalayuan, nakatayo ang isang lalaki, may bitbit na brief case sa kaliwang kamay at isang nakarolyong dyaryo habang ang isang kamay ay may hawak na nakasinding sigarilyo. Itinaas nito ang kanang kamay at inilagay ang sigarilyo sa bibig bago bahagyang inayos ang suot na itim na sombrero.
Senyales na lumapit kami.
Nagbabantay lang ang mga tauhan sa paligid ni Ama, maging ako, alisto sa maaring mangyari. Sumenyas din si Ama, lumapit sa gilid niya ang kanang kamay at may ibinulong at saka may inabot na kaparehong hitsura ng brief case.
Tumango lang si Greko at tumingin sa amin, may kusang naglakad sa hanay namin, dalawa sa likuran ko at isa sa gilid ko. Mga batikan at masasabi kong matagal na sa kalakaran na ito.
Napalunok ako nang malalim habang inaabangan ang susunod na mangyayari, sumulyap ako sa tabi ko, nakapuwesto si Ama sa gitna, may nakasubo ring tabako sa bibig habang nakangiti sa taong iyon.
Ang taong katransaksyon namin. Nung nakalapit na ang tauhan ni Ama, nag-usap sila saglit at nagpalitan ng bitbit. May senyasan bago nagkamayan, hudyat na tapos na ang transaksyon. May inabot pa na isang puting sobre ang lalaking naka-black hat kay Greko bago nito itinaas ang suot sa ulo at ibinaba at saka dahan-dahang humakbang paatras, may dinukot sa bulsa, isang instrumento, harmonica ang hula ko, bago tinangal ang nakasubong sigarilyo at tumugtog, maganda ang tunog at parang masarap pakinggan.
Mukhang tanga lang kaya sinilip ko ang mga nasa paligid ko, wala silang reaksyon. Bago sa akin ang lahat. Bihira kasi na may ganitong katransaksyon si Ama na hindi nagsasalita. Baka naman pipi.
Naglakad na rin pabalik si Greko, bitbit ang brief case at iniabot kay Ama. Nagwika pa ng ganito : "Masyadong mahiyain ang isang yun,"
"Ganun na talaga ang isang yun, hindi palasalita," tugon ni Ama, sabay lahad ng kamay.
Ibinigay naman ng kanang kamay niya. "May ipinaaabot pa na sulat." bago tumingin sa akin.
"Nakita ko nga," nagsimula nang maglakad si Ama. "Halina kayo, umalis na tayo, baka abutan pa tayo ng ulan."
Dagungdong na rin ang kulog sa langit. Unti-unti nang dumidilim. Pakiramdam ko, babagsak na talaga ang maitim na ulap sa ibabaw ng ulo namin. Malakas na ulan 'to kung nagkataon.
"Ama," mahinang tawag ko at binilisan ko talaga ang lakad ko para lang makalapit sa kanya.
Tinapunan ako ng tingin ni Greko maging ang mga tauhan nito pero di ko pinansin.
"Sino ba ang taong yun?" may kuryusidad sa mura ko pang isipan.
"Makikilala mo rin siya, Ysaak, sa ngayon," humarap siya nang bahagya sa akin. "Pag-aralan mo ang mga kalakaran ng ating negosyo at sanayin mo pa ang sarili mo para maging karapat-dapat ka para sa grupo."
Hindi ako agad nakaimik. Sa loob-loob ko kasi, halos isang taon na nga akong nasa grupo pero bagito pa rin ang tingin nila sa akin. Nung pinukol ako ng masamang tingin ni Greko, saka lang ako natauhan.
"Opo, Ama."
Ngumiti lang si Ama at nagpatuloy sa paglalakad. Naiwan ako kasi napaisip ako sandali at halos banggain pa ng mga nasa likuran ko nung lampasan ako. Mga walang modo talaga eh. Palibhasa...
Napabuga na lang ako ng malalim na buntong hininga.
Masama pala kapag kinakausap ng amo namin at hindi agad nakasagot, may parusa agad. Mahigpit kasi ang mga taong nasa paligid ko, kahit na parang Ama-amahan ko na ang Boss nila, hindi pa rin ako ligtas sa malupit na parusa nila.
![](https://img.wattpad.com/cover/246189691-288-k184770.jpg)
BINABASA MO ANG
Queen Of Damn
General FictionMisunderstood, mistreated and always in trouble, Reina is no ordinary girl from the bunch of foolish and rebellious kids trying to find her true self and the right place for her existence. She kept her armor of arrogance and belligerence knowing tha...