Extra Chapter -All Girls Party-

114 4 1
                                    

‡Flashback‡
(A day after the SSC Athletics awarding event ended, Thursday, a day before Prom.)

*Reina*

I'm so bored.

Matapos kong bali-baligtarin ang bahay, hinarap ko naman ang mga kalat ko. Balak ko kasing mag-declutter. At kahit may pasok pa, hindi na muna ako pumasok. Wala namang gagawin tutal tapos na ang SSC at pahinga na muna ang track and field team.

Huminga ako nang malalim habang nakatitig lang sa kawalan. Nasa harap ako ng glass paneled wall ko na kita ang malawak na view on top.

Ilang beses ko pa ba silang lolokohin? Nakakakonsensya na kasi. Hindi ko naman talaga gawaing mag-abala na maging totoo sa kaibigan kaso, iba pagdating sa kanila. Nakaka-guilty na.

Mababait kasi sila at hindi gaya ng mga naging kaibigan ko dati. Well, kung mga naging kaibigan ko ba talaga sila dati.

Nasa ganitong wisyo ako nang marinig ko ang doorbell. Tinapunan ko ng tingin at hinintay kung tutunog pa, maya-maya sunod-sunod na. Kaya umalis ako sa kinatatayuan ko at nilagpasan ang box na balak kong ipatapon na nasa salas.

Sinilip ko muna kung sino at nagulat. Agad kong binuksan. "Anong ginagawa mo dito, Benny?"

"Binibista ka, obvious ba?"

"Pasok ka, sana nagpasabi ka." lumakad ako at hinintay siyang pumasok.

"Wow! Ang gara ng condo mo ah," bulalas niya habang inililibot ang tingin sa buong unit ko at inilapag yung helmet niya sa end table.

"Maliit pa nga 'to eh, upo ka." alok habang inililigpit ang mga kalat sa sofa.

"Ano yan?" sabay turo sa box at sa black garbage bag. "Itatapon mo na lahat yan?" saka naupo sa easy chair.

Tumango ako. "Nagbabawas lang ng kalat dito, nasisikipan ako eh."

"Mga ayos pa 'to ah!" usal niya habang tiningnan yung laman ng karton. Mga rubber shoes, action figured toys at ilang mga pinaglumaan ko nang hilig.

"Gusto mo? Sige, pili ka na lang. Itatapon ko na mamaya yan."

"Bakit ba ang mga mayayaman, kung magtapon ng gamit, basta na lang?" kinuha niya yung isang rubber shoes at sinukat. "Oy okay 'to ah,"

"Tingnan mo kung kasya sa 'yo, dalawang beses ko pa lang yan nasuot."

"Bakit ayaw mo na? May bago ka kasi lagi eh."

"Bigay ng kaibigan ko kaso enemy na kami ngayon, sukat mo, baka kasya sa 'yo." ang alam ko, same kami ng foot size ni Benedict.

Sinunod niya ang sinabi ko. "Oy, ako na si Cinderella man."

"Dito ka lang ba? Tingnan ko yung niluluto ko."

"Sakto pala ang dating ko," at tiningnan pa ako nang maloko. "Ikaw ha, panay utos mo sa akin at paluto, marunong ka naman pala."

"Tangek, noodles lang yun, pero gusto mo? Lutuan kita ng iba?"

"Wag na, kung ano na lang available mo dyan, wala bang mapapanis dyan?"

Tumawa na lang ako. "Wait, check ko," tumalikod ako at lumakad papunta sa kitchen. "Bakit ka nga pala nandito? May problema ba?"

"Wala, di ka kasi pumasok, iniisip ko baka may sakit ka."

"Talaga ba? Ang sweet mo naman po pala. Eh kung dadalaw ka, sana nagdala ka ng prutas o bulaklak man lang,"

"Wag na, presence ko pa lang magiging okay ka na."

Queen Of DamnTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon