‡Flash back‡ (Week 2, Third day fourth event)
Monday*Reina*
After a long day event for the outdoor track event, nagsimula na rin ang outdoor field events kung saan sasalang na ang mga pambato ng team sa throwing and jumping event. Nasa round 1 heat 3 na at malapit nang magbigay ng result score, placing score at performance score.
Sa tally board, nangunguna pa rin ang St Bernard, pangalawa ang AOSAT at yung iba pang school na kalahok na nung last season ng conference. Pang lima ang San Lazarrus Phoenix.
Sa individual scoring, malakas pa rin ang laban ni Angelo sa first place habang sinusundan ng isa pa nitong ka-team na DJ na mas kilala sa bansag na Manta, sumunod si Vonne at si Bryce. Pang 11th si Asher at 12th place si Mr Asungot sa men's division.
Habang sa women's division, wala man lang sa top scoreboard ang pangalan ni Lorraine o kahit mga kagrupo, nangunguna pa rin si Siegfried mula sa Walter Reinhardt International School, ito lang naman kasi ang malakas-lakas sa batch, sinundan na ng ilang pang mga nakalaban ko rin sa pentathlon last year.
Napapaling ang tingin ko sa kabilang side at nahagip na naman ng mga mata ko ang kumakaway na babae, ano nga ulit ang pangalan nun? Katabi nito si Gianna na pilit pinapakalma ito, nasa likod naman ni Gi ang mga taga-AOSAT.
Kinalabit ako ni Sab, dahilan para mapukaw ang atensiyon ko at humarap sa kanila.
Tuwang-tuwa ang mga tungaw. As usual, nandun rin ang grupo ni Amethyst pero di ko pinansin, si Keagan, mga ka-grupo nitong si Cesar at yung kakikilala ko pa lang na sina Chester, Mico at Jayson na pambato rin ng junior division, maging si Russel at ilang pang extra. Tapos na kasi ang event nila nung Friday kaya nakikigulo na sa audience.
Nagsimula na ang Javelin throw. Si Juan Carlos ang sumabak. Nagkagulo kasi ang daming fans.
Lumayo ako dahil masyado na silang maligalig. Saka ko napansin ang paglapit ng dalawang pamilyar ang mga mukha.
"Pumunta ka rin pala, Reina, right?" bungad ng isang nasa kanan, bitbit ang ilang pinamiling snack mula sa malapit na food court ng venue.
Hindi ko kinausap, dedma lang.
"Madalas ka kasi naming makitang kasama nila tuwing event nila,"
Tipid na ngiti lang ang tugon ko. Actually friendly pa nga sila di gaya nung coach ng track and field team na mukhang di ngumingiti. Napasilip tuloy ako dun. Nakaupo sa gilid.
"Hindi mo agad sinabi, ikaw pala yung binabanggit nila sa amin, naikwento ka na rin kasi ng pinsan namin." magiliw na usal ni Jerome.
Actually, mapagkakamalan ko rin sila na kambal, pareho kasi silang manamit at kumilos. Mga athletes din sila ng university na pinapasukan at gaya ng kambal, athletics din ang sports.
Mas matanda ng isang taon si Jerome sa kapatid na parehong matangkad, matikas ang katawan at gaya ng kambal, agaw-pansin ang mukha, mestizo-hin pero dahil sa sports, naging slightly tan na rin ang kulay ng balat.
"Are you here because of the sport or for them?" si Jonrey.
"Ang bobo ng tanong mo, bro. Siyempre nandito siya para sa mga 'Insan natin."
"Bakit, anong masama dun? Athlete ka rin ba? You seem familiar kasi, baka naman nagkita na tayo dati or baka destiny lang talaga." palikerong hirit pa nito.
"Dream on bro," basag-trip nung isa. Saka ngumiti sa akin. "Anyway, nice to know your heroic deed, sinabi sa amin ni Asher yung ginawa mo nung last Friday, I was really surprised but you know what, you won my respect.
![](https://img.wattpad.com/cover/246189691-288-k184770.jpg)
BINABASA MO ANG
Queen Of Damn
General FictionMisunderstood, mistreated and always in trouble, Reina is no ordinary girl from the bunch of foolish and rebellious kids trying to find her true self and the right place for her existence. She kept her armor of arrogance and belligerence knowing tha...