Warning: This chapter contains disturbing scenes that may affect or disrupt your moral views. Again, it's part of my fabricated imagination, no living soul is harmed. Read at your own risk.
*Reina*
Maaga akong pumasok dahil may ilang subject akong kailangang i-review at ilang quiz na ire-retake. Buti short quiz lang.
Nasa isip ko pa rin yung nangyari kahapon, nung dumalaw sa school ang varsity team ng AOSAT at ilang piling private schools. Kahit kailan, pasikat ang lalaking yun.
Pinutakte na naman ako ng mga loka-lokang fans ni Vonne dahil sa mga show off at pagpapapansin niya habang papasok pa lang ng school. Hindi ko na talaga magawang i-tolerate ang kapreskuhan niya. Di nga ako makapaniwalang naging buddy ko yun, well, former friend na. Nasa most hated at nasa black list ko na siya ngayon.
I sighed loudly while walking to the hallway of our building. And as I was doing that, everyone seemed to stare at me. I wondered why and what was their problem. Do I look weird?
Nagpatuloy ako sa pag-akyat sa hagdan. May mga nakasalubong pa ako at maging sila, panay lang ang tingin sa akin. Gusto ko na ngang tusukin ang mga mata, titig na titig eh, 'kala ko, kakainin ako.
Maybe there's something wrong with my looks.
Kaya napahinto ako at tiningnan ko ang sarili. Okay naman ah, maayos naman yung suot ko. Naka-open yung dark blazer ko, loose ang necktie, naka-open ng dalawang butones ng white shirt ko, kita tuloy yung necklace ko at nakasilip din ang collar bone ko. Plantsado ang palda ko na defined pa ang pleats. Naka-trainer shoes ako kasi mas kumportable akong kumilos.
Para sa 'kin, okay naman yung hitsura ko.
"Ano bang trip ng mga tao ngayon?" tumuloy na lang ako sa pag-akyat. Di ko na lang pinansin, bahala sila dyan.
Hanggang sa narating ko na yung room namin, pati dun, may mga naka-leer sa akin.
Put*ng in*! Ano bang problema n'yo?!
I don't like being stared at. Mas lalo akong naiinis kapag di ko alam yung problema nila sa akin.
"Oy, si Reina, balita ko sasali ka sa pageant, sa'yo ako tataya kaya galingan mo."
Who the Hell is she?
Tiningnan ko lang nang mataman yung babae, maliit, buhaghag ang buhok at medyo payat ang katawan. Isa sa mga classmate namin na hanggang ngayon, hindi ko pa kilala.
Di ko na lang pinansin, dumiretso na sa ako sa upuan ko. Nandun na yung gamit ni Sab at Lorraine kaso wala sila sa upuan nila. Maging si Benedict.
As'an ba ang mga yun?
Inabala ko na lang ang oras ko sa pagbabasa ng mga feed sa dummy account ko sa FB. Buti na lang may ganito ako, dahil nasusubaybayan ko pa rin ang mga ganap sa Socmed.
Nasa pagbabasa ako ng post sa isang sports community page nang dumating sila na may hawak na papel at isang banner? TVL banner yun mula sa head ng nasabing strand namin na HE.
"Andito na pala si Reina, kinuha lang namin yung papers mo na kailangan i-sign para maging official candidate ka na. Eto oh," inilapag ni Sab sa desk ko.
Awtomatikong binasa ko. Saka ako napatayo at napamura nang malakas. "Tang in*! Ano 'to?!"
"Bunganga mo naman! Maghinay-hinay ka na, ikaw pa naman pambato namin sa pageant." ngumisi pa si Benedict at binuklat yung banner.
Nakita ko yung pangalan ko naka-boldface at malalaking titik as rep ng room at ng strand namin sa gaganapin Pageant this week. Nanlaki lalo yung mga mata ko sabay nanlisik.
BINABASA MO ANG
Queen Of Damn
General FictionMisunderstood, mistreated and always in trouble, Reina is no ordinary girl from the bunch of foolish and rebellious kids trying to find her true self and the right place for her existence. She kept her armor of arrogance and belligerence knowing tha...