Extra Chapter -Rossanne-

75 3 0
                                        

*Rossanne*

"Inuulit ko, Reina. Bakit mo sinasaktan ang boyfriend ko?"

Hindi siya nakapagsalita, halatang nagulat sa presensya ko.

"Rossanne," usal ni Keith na bakas din ang pagkagulat. "She's just..."

"I'm sorry, ate... Pero si kuya kasi eh," ngatal na bigkas ni Reina.

Ngumiti naman ako. Pero sa loob-loob ko, gusto kong magalit. "May ginawa ba ang Kuya Keith mo sa 'yo para magalit ka sa kanya?"

She looked away, fidgeting in the pocket of her lady jacket while her other hand curled into a ball of fists.

Drats! I made her so uncomfortable.

"W-wala ate, wala. It's just...misunderstanding."

Liar.

She's not a good liar. I've known her since she was just a child.

"Well, gusto kong malaman kung ano yung misunderstanding na yun," saka ako sumilip sa dalawang taong naroon din. "And you are.."

Bumaling ako sa matangkad na lalaking nasa likuran ni Reina.

"Miles, Miles Morales po, schoolmate po ako ni Reina," hindi magkadantuto ito kung paano babalansehin ang mga hawak sa isang kamay.

"It's fine," saka ako tumingin sa babaeng nagtatago sa likod ni Keith. "Can I have your name, Miss?"

"Celine, I'm Celine Mendez."

"Celine..." I tried not to show it but I was furious. "Oh, ikaw pala si Celine!" lumapit ako ng isang hakbang dito. "Ikaw pala yung kinukwento ni Love," tapos humarap ako kay Keith. "Siya pala yung kinuha mong wedding planner,"

"Wedding planner?!" gulat na bulalas ni Reina at naglipat-tingin sa aming tatlo.

I'm so pathetic.

Standing up for someone who might be my fiancé's illicit lover.

Tumikhim si Keith. Alam niyang gumagawa lang ako ng way para hindi na sila guluhin ni Reina. "Yeah, Love. Siya yung kausap ko, kaso di pa siya naipakilala sa 'yo, surprise sana eh, kaso... Nahuli mo na kami."

I almost caught you.

"Right! Kaya mo ba ako pinapunta dito?"

Hindi nakaimik si Keith. The truth is, he didn't expect me, I just surprised him.

"I don't remember we have a meeting?" he spoke honestly.

"Di ba, you texted me this place?"

He was confused, furrowing his brows. "No,"

"Oh, maybe you just forgot. Here oh!" pinakita ko yung text message.

"Oh no, probably I know who did this. It's my secretary, I'm sorry, Love." huminga siya nang malalim at ibinuga nang marahas.

"Ah, that's okay. We can resume our meeting, tapos na ba kayo?"

Nagkatinginan ang dalawa. Kusang humakbang palayo yung babae. "Oo, you may resume, our meeting is done na rin naman."

"Celine,"

"It's okay, sa susunod na lang. May appointment din naman ako eh,"

"Sure ka? You know what, you can join us? Para mapag-usapan na rin natin yung about sa wedding," paanyaya ko, gusto ko rin kasing kilalanin ang babaeng ito.

Tumikhim ulit si Keith. "Maybe some other time, Love." hinawakan niya yung braso ko.

"Ate, sorry, I set off on the wrong foot here." biglang sumingit si Reina.

Queen Of DamnTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon