*Miles*
Matapos ang klase at homeroom, dumiretso na ako sa club namin para i-check kung may activity kami or para tingnan kung pasok sa sched ko ang pag-sideline sa bike shop ni Manang Huli.
Hectic kasi lalo't palapit na ang Homecoming, dito na kasi gaganapin sa school, dati sa mga piling four-starred hotel or clubhouse ng mga sikat na Park o resort in the Metro.
Malaki ang matitipid ng school kaso parusa naman sa 'min yun. Imbes na annual events lang at Final exams ang pagkakaabalahan namin, naisama pa yun sa aalalahanin namin.
Hay, Buhay Scholar nga naman.
Papasok na ako sa pinto ng office namin ng bumulaga ang sambakol na mukha ni Sandra, ang editor-in-chief namin at Vice President ng Journalism club.
"Nakita mo ba si Kirsten?"
"Hindi, bakit?"
"Damn, kailangan ko siyang makita. Naka-off yung phone!" habang panay ang dial niya sa cellphone niya. "C'mon, C'mon Kirsten! Pick up your damn phone."
Halata na ang frustration niyang ma-contact ang Club President namin.
"Kaasar! Siguro kasama na naman ang boyfriend niya!"
"Sino? Sa pagkakaalam ko, wala siyang jowa." napaisip din ako.
Matalim na tingin lang ang ibinigay niya sa 'kin saka nagpalakad-lakad sa aisle sa pagitan ng mesa niya at mesa ng presidente.
"Damn! Sana naman nag-iwan siya ng message bago siya lumayas, kahit sa GC ayaw niyang mag-open." sa bwisit niya naihampas pa ang palad sa mesa na ikinagulat ko.
Minsan ko lang nakitang maaburido ng ganito si VP, mukhang malaki nga ang problema. Naku-curious tuloy ako.
"Ano ba kasi yun, para ka namang walang kasama, i-share mo sa 'kin, baka makatulong." presenta ko.
Tinapunan ulit niya ako ng matalim na tingin saka huminga nang malalim at ibinuga nang marahan. "Miles, malaking problema ang kinahaharap natin ngayon. May nagkakalat kasi na yung club natin ang naglabas ng mga nag-viral na photos sa socmed tungkol sa isang estudyante dito, you remember that scandal, that just happened a couple of months ago."
"Ah, yung tungkol kay Amethyst Montaño." napatango ako kaso nung nag-sinked in na sa utak ko, bigla akong napalaki ng mga mata. "Oy hinda ah! Anong kinalaman natin dun eh puro about sa school ang binabalita natin?"
Mga kuhang videos iyon ng pambu-bully sa mga students dito. Ayun, na-detention tuloy tapos parent's needed at sumasailalim sa counseling. Mahigpit pa naman ang school against bullying dito. Pero ang daming bully dito.
"Yun na nga eh, sa case na yun, ang itinuturong kakuntsaba ni Marlon, si Kirsten since si Clarisse, umamin na wala siyang motibo at wala siyang kinalaman."
Si Marlon, yung dating VP ng student council na napatalsik kamakailan lang dahil sa kabulastugang ginawa, mapalitan lang yung current at still President na si Devlin Tolentino aka Adolf Hitler ng St Lazarrus Jesuit. At si Clarisse Remulla naman yung secretary ng President. Sila at ilan pa nilang miyembro ang bumubuo sa senior student councils sa campus.
"Eh bakit si Kirsten? Ano namang mapapala niya dun?"
Huminga ulit siya nang malalim at tumingin sa 'kin. Dun pa lang kinutuban na ako.
"Dahil running for Valedictorian si Pres. Put*, sira ulo talaga yung Marlon kupal na yun! Tang in*, pati mga inosente at matitino, dinadamay ng hayup na yun!" naikuyom ko rin ang mga kamay ko sa inis.
Kung makikita ko yung patpatin at nuno na yun, masisipa ko yun eh. Hayop, di na makuntentong sinira na nga yung image ng school page, dinamay pa si Pres sa kalokohan.
BINABASA MO ANG
Queen Of Damn
General FictionMisunderstood, mistreated and always in trouble, Reina is no ordinary girl from the bunch of foolish and rebellious kids trying to find her true self and the right place for her existence. She kept her armor of arrogance and belligerence knowing tha...