*Reina*
Naiinip na ako.
Sinilip ko ang katabi ko na busy sa kaka-chat. Mukhang nakikipaglandian na naman sa dyowa. Panay ngiti eh tapos tatawa bigla, parang tanga. Nayakag na naman kasi ako nito na samahan ito papunta sa bahay ni Lorraine, ang favorite hang out namin. Wala kasi si Lorraine, may lakad kasama ang tita niya.
Mahaba-haba rin ang biyahe, dahil weekend at dahil hindi ako kinakausap ng katabi ko. Parang wala akong kasama. Panay tingin naman sa amin yung driver. Mukhang manyak pa yata.
Kaya gumawa ako ng script sa utak ko at kinuha ang phone. "Hello Dad, opo, papunta na po kami, kasama ko po si Sab. Opo, nakunan ko po, opo.. Yung plate number.. Ho? I-send sa inyo? Bakit naman po... Ah sige po. Dad naman eh, hindi mo naman kailangang ipa-blotter agad, anong akala mo sa mga taxi driver, kriminal?" tapos kunwari tinakpan ko yung speaker ng phone at kinausap si manong driver.
"Kuya, di ba hindi naman kayo kriminal? Kasi Dad ko kasi pulis eh."
Napalunok si manong nang malalim at agad itinaas yung zipper ng pantalon. Kanina ko pa kasi napapansin, panay himas nito sa harap nito, iba ang kinakambyo.
Hindi ito nakasagot at nag-concentrate na lang sa daan.
"Opo, mukhang good guy naman po si kuyang driver, sige po, bye po." saka ko ibinaba ang kunwari-kunwariang tawag at sumandal na sa backseat.
Napasilip ako kay Sab na naaning sa pinagsasabi ko. Takang-taka ito eh minamanyak na ni manong.
Kaya naman para hindi na maalarma, nag-send ako ng text. Nabasa agad nito at agad umayos ng upo. Nakaayos naman talaga ito ng upo, kaso sa iksi ng suot na skirt, kita yung makinis at maputing hita nito. Naka-shortpants naman ako. Parehong desente ang suot namin kaso sadyang manyak lang talaga si manong.
Naalerto tuloy ito at kumapit sa braso ko. Hindi ko pinahalata pero kinunan ko ng litrato yung side view ni manong. In case lang may gawin sa amin.
Sa tagal ko ba namang nagko-commute, ilang beses na akong nababastusan sa mga taxi driver o di kaya sa mga nakakasabay na pasahero. Hindi naman lahat kaso marami lang talaga katulad nito ni manong. Manyakis.
Mga ilang minuto pa ang pinagtiisan namin bago namin narating ang bahay ni Lorraine. Pagkahinto, sabay kaming lumabas at binayaran ko si manong na may kasama pang fuck you.
"Sa susunod, hindi lang 'yan makukuha mo, i-po-post kita sa social media, gusto mo yatang sumikat eh."
"Tama na 'yan, Reina." hinihila na ako ni Sab palayo kaso nagbubuwisit lang talaga ako sa mga gaya nito.
Agad sumibad yung taxi matapos ko pang awayin. "ang laki mong gago, Fuck you!"
"Sinong kaaway n'yo?" bumungad ang boses ni Juan Carlos mula sa gate.
"Wala, hindi naman ganun kaimportante." sagot ni Sab dito.
Siguro para di na humaba ang usapan. Di lang ako makatiis.
"Yung hayup na taxi driver kasi na nakuha namin, bastos! Minamanyak si Sab."
"Ano?!" biglang nag-iba ang timpla ng mood nito at nilingon ang malawak kalsada ng village. "Dapat ni-report n'yo, o kaya tinawag n'yo kami."
"Okay na, inaway na ni Reina."
"Pero kahit na! 'Asan ba yun?"
Matik na magagalit talaga si Juan Carlos eh, best friend nito yung binastos. Kaso too late na. Minsan mapagkakamalan talaga ang dalawang 'to, iba yung closeness eh.
"Nakaalis na po, Tara na sa loob, naaalibadbaran ako." nauna ako sa loob at iniwan ko na sila.
Bahala sila kung magre-report sila, kaya na nila yun.
BINABASA MO ANG
Queen Of Damn
General FictionMisunderstood, mistreated and always in trouble, Reina is no ordinary girl from the bunch of foolish and rebellious kids trying to find her true self and the right place for her existence. She kept her armor of arrogance and belligerence knowing tha...
