Warning: This chapter contains some sensitive topics and disturbing scenes. Please understand that it's just for a plain display of characterization and subjects to create a colorful narration. The author respects your moral values and didn't intend nor implement disruption, you are free to drop reading if you feel you can't handle it.
You have been warned.
*Reina*
My head is ringing.
There was a voice echoing in my ear, a familiar voice then a hand patting at my side.
"Reina, Reina, gising."
Umungol lang ako. "Ano ba..."
"Lika na, aalis na tayo."
"Ayoko pa, iinom pa 'ko..."
"Ano bang nangyari?"
"Nag-iinom lang kami, tapos bigla siyang umiyak, bumaba dun sa ground floor at naghamon, muntik pa ngang may pumatol na lalaki buti na lang may sumalo sa amin. Matangkad na lalaki."
Naririnig ko ang mga boses nila, iba-iba ang mga tinig, tempo at pitch ng mga ito. Yung isang baritono, dalawang alto.
"Hey, get up."
May mabigat na kamay ang yumugyog sa balikat ko. "ANO BA?!" saway ko sabay hawi ng kamay.
"Paano si Benedict?"
"Ako nang bahala kay Benny, si Reina ang inaalala ko. Lasing na lasing eh."
"Sinong maghahatid sa kanya?"
Biglang may humila sa mga braso. "Hey, Pepper, get up. Kung hindi, iiwan ka namin dito."
"Buhatin na lang natin siya."
"Ayoko! Ayokong umalis dito!" hinawi kung sinuman ang pilit akong itinatayo.
"Ako na lang ang maghahatid sa kanya."
"No, ako na lang, I have a car."
Biglang nanahimik.
"Mabuti pa, tayong dalawa na lang para kahit paano, hindi sila mag-isip nang hindi maganda."
Dun ako nahimasmasan nung maaninag ko si Archie habang inaalalayan ang leeg ko. "Gising ka na ba?"
"Archie?" mahinang usal ko. My throat was like a desert.
"Reina, sober ka na ba?"
Napasilip ako sa nagsalita at naaninag si JC pati yung katabi nitong si Mr Pres.
Napabalikwas ako at tiningnan ang paligid ko. Makalat, nagtumbahan ang mga bote ng beer at ilang walang laman na plates sa mesa tapos napansin kong tulog na tulog na si Benny at nakasubsob pa ang mukha sa mesa.
Napahimas ako ng noo. May nagbu-buzz at sumasakit na ang ulo ko.
"Are you good to stand? Ihahatid ka na namin."
Tiningnan ko lang saglit si Mr Pres saka sinubukang tumayo. Pero parang lumambot ang sahig na tinatapakan ko at gumewang ako. Umiikot ang paningin ko at wala pa rin akong panimbang. Buti napahawak ako sa backrest ng sofa.
"You're not good, I'm gonna carry you down to the ground floor. We need to go now, it's getting late."
"No," I shook my head slowly. "I'm gonna walk, I just need some time to..." pinilit kong humakbang pero muntik na akong tumumba, buti at nasalo ako ni Archie at inalalayan din ni JC.
"Whoa! Easy." ibinalik na lang nila ako sa sofa.
"JC, Archie, alalayan n'yo si Benedict ako na kay Reina,"
BINABASA MO ANG
Queen Of Damn
General FictionMisunderstood, mistreated and always in trouble, Reina is no ordinary girl from the bunch of foolish and rebellious kids trying to find her true self and the right place for her existence. She kept her armor of arrogance and belligerence knowing tha...